WEAR

Pinadadami ng WEAR ang tagahanga nito sa fashion gamit ang Pinterest API

Pagkatapos i-set up ng app sa pag-iistilo sa fashion ang Pinterest API, nakipagtulungan sila sa Pinterest sa Japan para patakbuhin ang co-marketing campaign na nakagawa ng 24 beses na dami ng Pin na nagawa at na-boost ang traffic sa app nang 118%.

24x
na dagdag sa mga nagawang Pin
19x
na dagdag sa bilang ng mga nagawang board
Ang kanilang layunin

Tinutulungan ang mga taong matuklasan ang mga istilong gusto nila

Ang WEAR ay isa sa mga nangungunang app sa fashion ng Japan, na may 9 na milyong pag-download at 6 na milyong post tungkol sa istilo. Pagmamay-ari ito ng Start Today, ang online na fashion giant sa likod ng pinakamalaking e-commerce na apparel site ng Japan na ZOZOTOWN. Karamihan ng mga item sa istilo ng WEAR ay naka-link sa ZOZOTOWN, kaya mabibili ng mga tao ang mga paborito nilang istilo o makakahanap ng mga ideya sa istilo para sa mga bagay na binili nila.

May dalawang pangunahing layunin ang WEAR noong sine-set up ang Pinterest API: para ikalat ang higit pang nilalaman ng istilo at para maabot ang mga bagong audience sa Pinterest. Gusto rin nilang bumuo ng kapananabikan sa bagong feature na “public folder” ng app, na isinasama ang Pinterest.

Ang kanilang mga resulta

Nagsisimula ng pakikipag-ugnayan at paggawa ng mas maraming traffic

Natutuwa ang WEAR sa mga resulta ng campaign. Sa loob ng sampung linggo, nadagdagan nang 118% ang traffic mula sa Pinterest sa WEAR. Ang mga Pin na nagpi-feature ng nilalaman ng WEAR ay tumaas din nang 24 beses at ang bilang ng mga Board ay nadagdagan ng 19 beses.

Atsuko Nakamura
Marketing Division, Start Today
“Sa Pinterest, natutuklasan ng aming mga user ang gusto nila at nakakapag-save ng mga ideya na tumutulong sa kanilang makita kung sino ang gusto nilang maging. Gumagawa sila ng kanilang mga sariling ideya na hango sa mga ideya sa Pinterest at pino-post ang kanilang mga litrato ng istilo sa WEAR.”
Solusyon nila

Pakikipagtulungan sa Pinterest para gumawa ng kapananabikan

Ang WEAR ay bumuo ng bagong feature na “public folder” kung saan maaaring mag-save ang mga tao ng kanilang mga paboritong istilo, at isinama ito sa Pinterest para madaling kumalat ang nilalaman sa pagitan ng app at ng Pinterest platform. Na-set up nila ang Pinterest API para awtomatikong gumawa ng mga Board at Pin noong gumawa ang mga tao ng mga pampublikong folder at nagdagdag ng mga istilo sa mga ito mula sa WEAR app.

Para gumawa ng kapananabikan sa mga bagong feature na ito, nagtulungan ang WEAR at Pinterest sa co-marketing campaign na may kasamang espesyal na contest para sa mga Board na may pinakamagandang tema sa kategorya ng fashion na pambabae, panlalaki at pambata. Para lumahok, kailangang gumawa ng mga tao ng pampublikong folder sa WEAR app, na awtomatikong gumawa ng Pinterest Board. Pagkatapos, na-save nila ang kanilang mga ideya sa istilo sa folder na ito, na nagdagdag ng mga Pin sa kanilang Pinterest Board.

Ang WEAR at Pinterest ay nag-feature ng anim na nang-iimpluwensiya sa fashion na tinatawag na WEARISTAS, sa Explore tab ng Pinterest at sa landing page ng campaign ng WEAR para bumuo ng mas maraming interes. Na-promote ng Pinterest ang campaign sa pamamagitan ng social media, blog at email habang nagpatakbo ang WEAR ng mga banner ad sa homepage at mga notification sa app at email.

Atsuko Nakamura
Marketing Division, Start Today
“Ang pagtutulungan sa pagitan ng Pinterest at WEAR ay pinahintulutan kaming bumuo ng napakagandang stream ng ‘imahinasyon' at ‘paggawa'. Umaasa kaming matulungan ang mas maraming user na matuklasan at maipahayag ang kanilang mga sariling istilo.”
Mga Detalye

Layunin
Kamalayan tungkol sa brand

Mga Rehiyon
Asia Pacific

Mga Industriya
Retail

Mga ginagamit na produkto
Pinterest API