Springlane

Pagtatatag ng brand sa pamamagitan ng mga Pin

Ang German brand para sa kagamitang pangkusina ay nakakuha ng 45% na kabuuang traffic sa site, at higit sa 50% na nabenta online dahil sa mga social channel sa Pinterest matapos itong magpatupad ng mga pinakamainam na kasanayan.

69%
na mas mataas ang oras na iginugol sa site dahil ng referral ng Pinterest
45%
ng kabuuang traffic ay galing sa Pinterest
Ang kanilang layunin

Nagbibigay ng inspirasyon sa mga foodie na gustong sumubok ng bago

Ang Springlane, isa sa pinakamabilis na lumalagong brand sa kagamitang pangkusina, ay nagbebenta ng iba't ibang gadget, tool, at accessory para sa pagluluto. Kabilang sa kanilang diskarte sa marketing, ginawa ng Springlane ang isa sa mga pinakamalaking online na platform tungkol sa pagkain sa buong Germany. Higit sa 10 milyong tao ang naaabot ng site buwan-buwan sa pamamagitan ng mga recipe at ideyang nauugnay sa pagluluto. Maaaring pumunta ng mga gustong sumubok sa recipe sa digital shop ng Springlane para bumili.   

Gusto ng Springlane na maabot ang mga tao at malaman nila ang tungkol sa mga recipe at produkto. Gusto rin nilang maghikayat ng higit pang traffic sa kanilang website at dagdagan ang kanilang mga benta. Upang mangyari iyon, kinailangan ng team na hanapin ang mga taong mahilig sa pagkain at sa pamamagitan ng matipid na channel sa pagkuha ng audience, napalawak nila ang kanilang naabot.

Hendrik Nölle
Head of Content Marketing, Springlane
“Ang Pinterest ay magandang platform upang makakuha ng audience at mahikayat silang mag-click sa aming website. Tumutulong ang platform na ito sa pag-abot ng mga taong gustong gumawa—hindi lang basta tumingin ng content. Maitatatag namin ang aming brand, salamat sa mas makabuluhang ugnayan sa aming audience—na higit sa pagkolekta lang ng mga like at share!”
Ang kanilang solusyon

Palawakin ang naabot

Alam ng Springlane na ang Pinterest ay mayroong mataas na pakikipag-ugnayan sa mga audience na naghahanap ng malikhaing recipe at nasasabik na subukan ang mga ito. Sa paggamit nila ng Pinterest para isakatuparan ang layunin sa marketing, nalaman ng team na 2x na mas sine-save ang kanilang mga recipe sa Pinterest kumpara sa pagbabahagi sa iba pang social platform.

Naglapat sila ng ilang pinakamainam na kasanayan para maabot ng Pinterest ang kanilang mga layunin. Kasama rito ang pag-optimize sa kanilang mga larawan sa Pinterest at pagdaragdag ng button na I-save sa website at sa bawat larawan ng recipe.

Dahil nakaayos sa mga column ang mga Pin, mas kapansin-pansin ang mga patayong Pin at mas maganda ang performance ng mga ito sa pangkalahatan. Bagama't karaniwang pahalang ang mga larawan ng Springlane, noong nagdagdag sila ng button na I-save sa mga recipe, lumabas ang mga larawan sa patayong layout.

Lahat ng kanilang Pin ay gumamit ng magandang branding at nagtampok ng aktwal na text overlay. Gumamit din ang team ng Mga Pin ng Recipe, isang uri ng Rich Pin, para bigyan ang mga tao ng karagdagang impormasyon gaya ng mga sangkap, oras ng pagluluto, supply, at higit pa.

Regular din nilang pino-promote ang kanilang profile sa Pinterest sa iba pang audience sa pamamagitan ng kanilang mga newsletter at profile sa social media.

Ang kanilang mga resulta

Mainit ng Pag-benta

Sa unang quarter ng 2018, ang mga produktong pangkusina na naibenta ng Springlane sa pamamagitan ng Pinterest ay mas malaki kaysa sa lahat ng pinagsama-samang benta nila sa iba pang social network.

Nahikayat ang mga taong bumili ng iba't ibang produkto sa Springlane matapos nilang makita ang mga Pin na kapansin-pansin, kapaki-pakinabang, at nauugnay na content. Ngayon, 45% na traffic mula sa Pinterest ang kumakatawan sa kanilang kabuuang traffic.

Napakahalaga ang mga referral ng Pinterest: ang average na oras na iginugugol ng mga taong na-refer ng Pinterest ay 69% na mas mataas kaysa sa oras na iginugol ng mga referral mula sa ibang social network. At 65% ng mga bisita ng Pinterest ay balikang bumibisita.