Maggi

Pagsali sa Pinterest

Ang Maggi, na isang Nestlé brand, ay nagbigay ng inspirasyon sa mga tao para magluto ng mga bagong pagkain at i-enjoy ang oras kasama ng pamilya simula pa noong 1846. Sumali ang team sa Pinterest para tulungan ang mga taong tumuklas ng kanilang mga recipe at ipadala ang traffic pabalik sa www.maggi.de.

Madali silang natuto ng mabilis at madaling mga recipe na may kasama ring nakakahikayat na litrato. Mabilis ding sumikat ang Mga Seasonal Pin na nakakabit sa partikular na tema o okasyon—halimbawa, mga recipe ng bibe at gansa para sa taglamig. Sinunod din nila ang mga pinakamainam na kasanayan para sa mga Pin, nagdagdag ng detalyadong mga paglalarawan ng Pin para gawing mas kapaki-pakinabang at may kaugnayan ang mga ito sa mga tao.

10 x
na pagtaas sa mga pag-save at pag-click buwan-buwan
400 %
pagtaas sa paggawa ng Pin mula sa domain ng Maggi
Lisa Stiewe
eCommunication Manager, Maggi
“Ang aming layunin ay bigyan ng pinakamagandang karanasan ang aming mga customer kapag nakikipag-ugnayan sila sa aming brand sa mundo ng teknolohiya. Mahalaga ang tungkulin ng Pinterest sa estratehiyang ito, na pinadadali sa mga taong tumuklas, mag-save at sumubok ng mga receipe ng Maggi gamit lang ilang click.”
Pagkatuto mula sa analytics

Ang Pinterest Analytics ay tinulungan ang Maggi na sumikat sa kanilang estratehiya sa Pin, palaging subaybayan kung aling mga recipe ang nakakawili sa mga tao. Sinusuri rin nila ang istilo ng potograpiya na pinakamatunog. 

Gamit iang analytics, makikita rin nila kung sa anong iba pang mga interes interesado ang kanilang audience, tulad ng dekorasyon sa bahay, DIY at mga tip sa pagluluto, na tumutulong sa kanilang mas maunawaan ang kanilang tina-target na grupo.  Dahil may kasama ring website data ang Pinterest Analytics, makikita nila kung anong nilalaman mula sa kanilang website ang pinakamahalaga para i-save ng mga tao sa Pinterest.

“Mahigpit kaming nagtutuon sa matunog sa aming Pinterest audience,” sabi ni Lisa Stiewe, eCommunication Manager sa Maggi. “Kung makikitang higit na mahusay ang pagganap ng ilang paksa sa Pinterest, ay nangangahulugan minsan na namumuhunan kami sa mga karagdagang mapagkukunan sa paksang ito at inilalagay din ito sa iba pang mga channel.”

Sinusunod ang mga pinakamainam na kasanayan

Ipinatupad ng Maggi ang Mga Pin ng Recipe, na awtomatikong nagdaragdag ng mga sangkap, oras ng pagluluto at mga serving sa lahat ng kanilang Pin. Ang karagdagang impormasyong ito ay ginagawang mas kapaki-pakinabang ang mga Pin sa mga tao sa Pinterest, na nagpapataas sa bilang ng pakikipag-ugnayan.

Idinagdag din nila ang I-save na button sa kanilang mga mobile at desktop website. Sa 4 na buwan lang, nakakita ang Maggi ng 400% pagtaas sa paggawa ng Pin mula sa kanilang domain.

Mahalaga rin: Na-promote ng Maggi ang kanilang mga board sa Pinterest sa kanilang digital marketing, kabilang ang mga social channel tulad ng Facebook at Youtube, email at sa kanilang website. Sa kanilang pagmemensahe, hinihikayat ng Maggi ang mga mamimili na puntahan ang kanilang profile para maghanap ng higit pang inspirasyon at recipe.

Halimbawa, gumawa ng landing page ang Maggi para sa asparagus sa kanilang website. Makakakuha ng mga tip ang mga bisita para malaman kung paano magluto ng gulay, at mayroon ding link sa kanilang asparagus recipe board sa Pinterest. 

Nakikita ang mga resulta

Bilang resulta ng mga pagsusumikap na ito, ang kakayahang ipakita ang Maggi brand sa Pinterest ay dumami. Nakakakita ang Maggi ng anim na digit na impression sa Pinterest, at naging malalim ang pagtaas sa bawat buwan. Pagkatapos ng anim na buwan ng pagtatrabaho sa kanilang estratehiya sa nilalaman, nakakita ang Maggi ng 10X na pagtaas sa mga pag-save at pag-click buwan-buwan.

“Talagang pambihira ang tagumpay ng aming mga pagsusumikap sa Pinterest,” sabi ni Stiewe. “Ang aming layunin ay bigyan ang aming mga customer ng pinakamagandang karanasan kapag nakikipag-ugnayan sila sa aming brand sa mundo ng teknolohiya. Mahalaga ang tungkulin ng Pinterest sa mga thigum na estratehiya, na pinadadali sa mga taong tumuklas, mag-save at sumubok ng mga recipe ng Maggi gamit lang ang ilang click.” 

Mga Detalye

Layunin
Kamalayan tungkol sa brand
Traffic

Mga Industriya
Media

Mga ginagamit na produkto
Mga Na-promote na Pin