Lil' Luna

Magsimula ng full-time na negosyo mula sa isang part-time blog sa tulong ng Pinterest

Mula sa pagiging passion project ng isang indibidwal, lumaki ang lifestyle blog na Lil' Luna at naging isang matagumpay na negosyong kumita na ng mahigit $750,000 sa mga ad, salamat sa trapikong nagmumula sa Pinterest.

 

75M
pagtingin sa page na naidirekta sa site
$750K
na kaukulang kita sa mga ad
Isang mahalagang pag-unawa

Si Kristyn Merkley ang negosyante sa likod ng sikat na recipe at DIY blog, ang Lil' Luna, na inilunsad niya noong 2010.

Noong mga unang araw, hobby lang ni Kristyn ang Lil’ Luna. Nang may magsabi kay Kristyn na maaari niya itong pagkakitaan, kakasilang pa lang ng kanyang pangalawang anak at kailangan nila ng pera. Bagama't napaisip si Kristyn sa ideyang iyon, hindi niya alam kung paano iyon gawin. Sa kabila noon, tiniyak ni Kristyn na magpo-post siya sa kanyang blog nang tatlo hanggang limang beses sa isang linggo.  

Sa simula pa lang, sa Pinterest na kumukuha ng inspirasyon si Kristyn para sa kanyang blog. Pagkalipas ng ilang taong pag-save sa mga Pin ng ibang tao, naisip niyang maaari siyang gumawa ng kanyang mga sariling Pin na nagtatampok sa sarili niyang content. Sa paggawa ng kanyang mga sariling Pin, talaga namang nadagdagan ang trapiko sa Lil’ Luna. Noon, humigit-kumulang 100,000 lang na pagtingin sa page ang nakukuha ng kanyang blog. Simula nang makakuha ng trapiko si Kristyn mula sa mga Pin, nagsimula na siyang makakuha ng mahigit sa isang milyong pagtingin sa page kada buwan.  

Dahil sa tagumpay ni Kristyn sa Pinterest, nahimok siyang taasan ang pangarap niya para sa kanyang blog. "Sa pagdami ng mga follower ko sa Pinterest," sabi ni Kristyn, "napagtanto kong maaari ko talaga itong gawing isang full-time na negosyo."

Kristyn Merkley
May-ari, Lil' Luna
“Nagagawa ko ang gusto ko, ang maging isang ina, at nakakapagpatakbo rin ako ng negosyo. Binabayaran ako para gumawa ng content, at nagpapasalamat akong nagagawa ko ang lahat ng ito sa bahay. Kung hindi dahil sa Pinterest, hindi magiging ganoon kabilis ang paglaki ng aking blog, at hindi magiging ganoon kadali ang pagnenegosyo ko rito.”
Paglipat ng atensyon sa Pinterest

Sa pagdami ng nakukuhang trapiko ni Kristyn, lumaki ang kanyang kita mula sa mga ad na hino-host niya sa kanyang site. Kasabay ng paglaki ng kanyang kita, nahikayat siyang mas pagtuunan ang kanyang diskarte sa Pinterest. Nakapag-hire siya ng isang team sa tulong ng dagdag na kitang iyon. Sama-sama silang bumuo ng diskarte sa content at regular na gumawa ng mga Pin.

Gumawa ang team ng Lil’ Luna ng mga Pin para sa mga recipe, ideya sa pagdedekorasyon, DIY craft, ideya sa mga maaaring iregalo, family game night, proyekto sa bahay at hardin, at marami pang iba. Bumuo rin sila ng pagkakakilanlan ng kanilang brand para sa kanilang mga Pin sa pamamagitan ng paggamit ng natatanging title font sa kanilang mga larawan.  

Nang magkaroon ang Lil’ Luna ng 100,000 follower sa Pinterest, nagsimula nang lumapit ang mga brand sa kanilang team para makipag-collaborate. Gusto nilang makipagtulungan kay Kristyn dahil sa kanyang kaalaman at mga follower sa Pinterest. Mula noon, nakipagsosyo na ang Lil’ Luna sa ilang malalaking brand gaya ng Huggies, Kroger, at Betty Crocker.

Paghimok ng trapiko at kita

Ang Pinterest pa rin ang pangunahing pinagmumulan ng trapiko ng Lil’ Luna. Simula 2014, nakapagdirekta na ito sa Lil’ Luna ng mahigit sa 75 milyong pagtingin sa page. Dahil sa trapikong iyon, nadagdagan ng $750,000 ang kita ng Lil’ Luna mula sa mga banner ad ng blog, na halos nasa $1 milyong dolyar na kapag isinama ang mga pakikipagsosyo nito sa mga brand.

Sa ngayon, ang Lil’ Luna ay mayroon nang mahigit sa 400,000 follower at mahigit sa 10 milyong viewer buwan-buwan sa Pinterest. At ang maganda rito, napapalago ni Kristyn ang kanyang blog bilang isang negosyong nagbibigay ng full-time na kita habang nagtatrabaho siya sa bahay at nag-aalaga ng anim na anak—ang kanyang pangunahing kagustuhan sa buhay.

Mga Detalye