Sa isang master class sa pagpapalakas ng sales, isang shopping campaign ng Floor & Decor, ipinapakita sa mga remodeler ng bahay ang mga produktong hinahanap nila—at nagagabayan sila nito sa pagbili.
Mukhang masayang mag-remodel…hanggang sa simulan mo itong gawin. Pagkatapos, puwede kang mainis kaagad: Ang pananaliksik, ang mga pagpipilian, ang mga gastusin. Kapag may ginagawa kang home-improvement na proyekto, kailangan mo ng mga kapaki-pakinabang na payo, abot-kayang solusyon, at mapagkakatiwalaang source.
At dito mismo papasok ang Floor & Decor. Bumisita sa Pinterest ang retailer ng flooring na umaasang makabuo ng ugnayan sa mga remodeler ng bahay. Ayon sa kanilang prediksyon, ang pakikipag-ugnayan sa audience na ito noong panahong nagpaplano sila ay magreresulta sa mas malaking sales—at nagawa nila iyon.
pagtaas ng performance ng sales1
Mga nahahanap at nabibiling produkto
Para sa Floor & Decor, ang pag-a-advertise sa Pinterest ang pinakamainam na desisyon. Nakadepende ang lahat ng ito sa kung paano mag-isip ang mga tao kapag ginagamit nila ang platform para mag-explore ng mga ideya para sa home improvement. Maraming tao ang naghahanap ng inspirasyon. Ang ibang tao naman ay talagang nagpaplano—o handa nang mamili.
Para sa mga retailer, pagkakaroon iyon ng maraming oportunidad na makagawa ng ugnayan.
Ang mga shopping ad ang pinakamainam na paraan ng team para maabot ang naaangkop na audience sa tamang oras. Kapag nagpapatakbo ka ng shopping campaign, madali para sa mga tao na mag-save ng mga produkto mo para sa ibang pagkakataon, o na bumili sa pamamagitan lang ng ilang pag-click.
Ang ganitong uri ng campaign ay nakatulong din sa Floor & Decor na mailagay ang mga produkto nito sa Pinterest nang mabilis at walang kahirap-hirap. Na-upload ng team ang kanilang catalog ng produkto, at nagpasya silang awtomatikong gumawa ng Mga Pin para sa bawat item. Para sa bawat item na na-upload nila, nakakuha sila ng Mga Pin ng produkto na nagpapakita ng real-time na impormasyon mula sa catalog, gaya ng mga presyo at pagiging available sa imbentaryo.
“
Para sa Mga Pinner, lubos na nagiging mas madali ang proseso mula sa pagpaplano hanggang sa pagbili dahil sa mga shopping ad. Para sa mga advertiser, nakakatulong sa kanila ang mga shopping ad na gawing mabilis ang paggawa ng maraming Pin na nagbibigay-inspirasyon sa mga potensyal na customer at direktang naghihikayat ng mga conversion.”
Andrea Striebel
Senior Director ng Customer & Digital Marketing, Floor & Decor
Nagulat sa tagumpay
Mula noong inilunsad ang campaign noong Setyembre 2018, patuloy na pinapahusay ng Floor & Decor ang kanilang estratehiya. Nakatulong sa kanila ang test-and-learn na diskarte na malaman kung ano ang pinakamainam na gawin sa Pinterest para sa kanilang brand. Dahil dito, napahusay nila ang performance ng sales ng campaign nang 3X sa loob ng 9 na buwan. At mula noon, para mas mapadali para sa mga tao na tumuklas at bumili ng kanilang mga produkto, sumali na ang Floor & Decor sa Programa ng Na-verify na Merchant.
Mga tip para sa iyong susunod na campaign
Subukan ang pinakamahuhusay na kagawiang ito sa Pinterest para masulit ang iyong mga ad:
1.
Pagkatapos maglunsad, patuloy na pahusayin ang iyong diskarte batay sa real-time na performance at mga insight.
2.
Maging open sa testing. Halimbawa, sinubukan ng Floor & Decor na maghanap at mag-retarget ng mga audience sa simula, sa lahat ng kategorya ng produkto. Sa paglipas ng panahon, na-streamline nila ang mga campaign nila sa kanilang mga nangungunang produkto at uri ng pag-target.
3.
Pag-isipang sumali sa Programa ng Na-verify na Merchant. Sa pamamagitan ng asul na checkmark sa iyong profile sa Pinterest, nalalaman ng mga shopper na nasuri na ang brand mo, at makakakuha ka rin ng access sa iba pang perk ng merchant.