Bakit Pinterest?

Ibahagi ang iyong mga ideya sa mahigit 200 milyong tao bawat buwan

Pumupunta ang mga tao sa Pinterest na naghahanap ng mga matutuklasang ideya, mag-save at gumawa. Tinutulungan ng iyong mga Pin ang mga tao na maintindihan ang kahulugan ng iyong brand at kung paano ito aakma sa kanilang mga buhay.

40 %
mas maraming tao sa Pinterest kaysa noong nakaraang taon
93 %
ng mga Pinner ang gumagamit ng Pinterest para magplano ng mga pagbili
67 %
ng mga Pinner ang nagsasabing nakatuklas sila ng bagong brand o produkto mula sa nilalaman ng negosyo sa Pinterest
1 sa 2
tao ang bumili pagkatapos makakita ng Pino-promote na Pin
Ang iyong audience sa Pinterest

Gusto mo bang malaman kung sino ang nasa Pinterest sa ngayon? Sa aming 200 milyong user buwan-buwan, makakahanap ka ng mga millenial, mga magulang, mga mahilig sa app at marami pa.

Bigyan ng inspirasyon ang mga tao para kumilos

Ang lahat ng ginagawa ng mga tao sa Pinterest ay mas pinalalapit sila sa paggawa ng aksyon. Mas marami silang nagagawa kaysa sa mag-browse ng mga feed: 70% ang naghahanap, nagse-save o nagki-click sa isang Pin.1 Dahil ginagamit ng mga tao ang Pinterest kasama ng pakikipagsapalaran ng consumer, maaaring magkaroon ng mahalagang tungkulin ang iyong brand mula sa inspirasyon hanggang sa pagbili.

Magbunsod ng tunay na mga resulta ng negosyo

Ginagamit ng mga tao ang Pinterest para magplano, kaya nakakakita ng magagandang resulta ang mga negosyo. Ang gawi ng mga tao sa Pinterest ay binibigyan ka ng malinaw na mga senyales sa gusto ng iyong audience at kung paano sila tutulungan.

Gumagamit ang mga brand ng Mga Pino-promote na Pin para makamit ang saklaw ng mga layunin na pang-marketing, mula sa pagbuo ng kamalayan tungkol sa brand hanggang sa pag-boost ng mga benta sa tindahan. Nagbunga ng magandang resulta ang Mga Pino-promote na Pin: ipinakita ng pag-aaral ng Oracle Data Cloud na nagdudulot ng 5x na mas maraming benta sa tindahan kaysa sa mga ad sa ibang mga platform.2 

Naghahanap ng mga ideya ang mga tao sa mga kategorya

Report ng istilo

Gumagastos ang mga Pinner nang higit sa 30% sa fashion kaysa sa mga taong wala sa Pinterest.3 Makakuha ng kumpletong hitsura sa pamamagitan ng mas maraming stats ng istilo.

Report ng pagkain

Gumagastos ang mga nasa bahay na gumagamit ng Pinterest ng higit sa 5% sa mga grocery kaysa sa karaniwan sa bansa.4 Tingnan kung anong pagkain ang sikat sa Pinterest.

Report para sa tahanan

Gumagastos ang mga tao sa Pinterest ng higit sa 27% sa dekorasyon sa bahay kaysa sa mga hindi Pinner.5 Tingnan kung paano ka magiging palagiang mamimili ng dekorasyon sa bahay.

Report para sa paglalakbay

Ang Pinterest ay isang hot spot para sa paglalakbay—nagse-save ang mga tao ng 2 milyong ideya sa paglalakbay bawat araw.6 Tingnan ang mga nangungunang destinasyon ng mga Pinner, at kung paano makakapunta roon bago pa sila mag-book.

Report para sa sasakyan

Ang mga tao sa Pinterest ay 18% mas malamang na bumili ng bagong sasakyan kaysa sa mga taong wala sa Pinterest.7 Alamin kung paano maaabot nang mas maaga ang mga mamimili ng sasakyan sa Pinterest.

Holiday report

Ang mga tao sa Pinterest ay gumagastos ng higit sa 45% sa mga regalo kaysa sa mga hindi Pinner.8 Tingnan ang aming holiday report para makita kung paano maaabot ang mga Pinner habang nagpaplano sila para sa mga holiday.

Handa nang magsimula?

Libre ang mga business account! Mag-sign up na (o i-convert ang iyong dati nang account) para magsimulang mag-advertise sa Pinterest.

1. Pagsusuri ng Pinterest, 2016

2. Pag-aaral tungkol sa pagsukat ng ROI ng Oracle Data Cloud, DLX CPG, 2016

3. Deep Focus Intelligence Group, Pag-aaral tungkol sa istilo ng Pinterest, 2017

4. Oracle Data Cloud, Pag-aaral ng audience, 2017

5. Oracle Data Cloud, Pinterest retail audience profile, Mayo 2017

6. Pinterest, Pagsusuri ng US, 2017 

7. Oracle Data Cloud, Pinterest auto audience profile report, Mayo 2017

8. Oracle Data Cloud, Pinterest retail audience profile, Mayo 2017

Mga Kuwento ng Tagumpay