Mga tuntunin ng Verified Merchant Program.
Paglahok sa Programa:
Dapat ay matugunan ng Merchant ngayon at sa hinaharap ang mga sumusunod na kinakailangan upang makalahok sa Programa: (i) ipatupad ang Pinterest Tag sa website ng Merchant (ii) magpadala sa Pinterest ng catalog ng produkto araw-araw (iii) sumunod sa Mga Alituntunin ng Merchant ng Pinterest
Bayad:
Walang napapataw na bayarin sa Verified Merchant Program.
Pagsasapubliko:
Nagbibigay ang Merchant ng pahintulot sa Pinterest na banggitin sa publiko ang paglahok nito sa Programa.
Paggamit sa Marka ng Pinterest:
Hindi gagamitin o ipapakita ng Merchant ang anumang marka o logo ng Pinterest kabilang ang Verified Merchant Badge nang walang paunang nakasulat na pag-apruba ng Pinterest.
Mga Disclaimer:
Hindi ginagarantiya ng Pinterest na ang Merchant ay magkakaroon ng anumang karagdagang trapiko o benta sa pamamagitan ng paglahok sa Verified Merchant Program.
Pagwawakas:
Maaaring wakasan ng Pinterest ang Programa anumang oras para sa anumang dahilan. Maaaring suspindihin o wakasan ng parehong partido ang paglahok ng Merchant sa Programa anumang oras para sa anumang dahilan.
Ugnayan:
Hindi gumagawa ang Kasunduang ito ng anumang ahensya, partnership, o joint venture sa pagitan ng mga partido. Responsibilidad lang ng Merchant na gumawa at magpahusay ng content nito sa Pinterest.