Wayfair.com

Pag-abot sa mga bagong audience

Bilang pinakamalaking online retailer ng mga gamit at dekorasyon sa bahay, nagbebenta ang Wayfair.com ng mahigit sa 7 milyong item mula sa 12,000 brand. Pinagsasama ng malaking tindahan ng e-commerce ang seleksyon at serbisyo sa nilalamang nagbibigay ng inspirasyon para tulungang maimpluwensiyahan ang mga desisyon sa pagbili. Ang Wayfair.com ay medyo bagong brand, kaya ginamit ng kumpanya ang Pinterest bilang paraan para makipag-ugnayan sa mga bagong audience sa pamamagitan ng kanilang libu-libong larawan ng produkto, na talagang nakadagdag sa direktang pagbebenta at kamalayan sa brand. Ang Pinterest ang naging tamang-tamang paraan para ibahagi ng Wayfair.com ang nakakapukaw na nakikitang nilalaman at makipag-ugnayan sa mga mamimili sa isang tunay na paraan.

“Nanghihikayat ng inspirasyon ang nakikitang larawan,” sabi ng Wayfair CEO na si Niraj Shah. “Nagbebenta kami ng mga bagay [sa aming mga site] sa parehong paraan.”

50 %
mas mataas ang paggastos ng Mga Pinner kumpara sa hindi Pinner
20 %
mas mataas ang paggastos ng mga mamimiling inirekomenda mula sa Pinterest
Lindsey Bachelder
Community Manager ng Wayfair.com
“Ang Pinterest ay nagbibigay ng pambihirang forum para magbahagi at mangolekta ng mga larawan ng aming produkto ang mga consumer, kaya ito talaga ay isang organic na paraan para bumuo ng kamalayan tungkol sa brand at maghikayat ng mga direktang pagbebenta.”
Pagbibigay ng inspirasyon sa Mga Pinner gamit ang mga tip at litrato

Mayroong team ang Wayfair.com na nagpapatakbo ng seksyong Mga Ideya at Payo ng kanilang site, na nagdaragdag sa editorial na nilalamang nakakaimpluwensiya sa mga Pin ng Wayfair.com. Ngayon, ang libu-libong Pin ng Wayfair.com sa mahigit 150 board ay inuugnay muli sa mga page ng produkto pero mas madalas sa mga article para makita ng mga tao ang mga tip, payo at iba pang litratong nagbibigay ng inspirasyon na kasama ng produkto o istilo na iyon. 

Isinasama rin ang Pinterest sa mas malaking mga marketing campaign. Nakikipagtulungan ang Wayfair.com sa mga blogger na mayroong matibay na mga pag-follow sa Pinterest para kumuha ng mga kakaiba at may mataas na kalidad na litrato para sa kanilang mga board, blog at mga article ng nilalaman.

Idinaragdag ng Wayfair.com ang button na I-save sa bawat page ng produkto at article sa kanilang site, kaya madali para sa kanilang mga panauhin na mag-store ng mga bagay na gusto nila sa Pinterest. 

Paghikayat ng mga pagbebentang may mas mataas na halaga

Nalaman ng Wayfair.com na sa karaniwan, mas malaking gumastos ang mga taong inirekomenda mula sa Pinterest kaysa sa mga panauhin mula sa iba pang social channel.

Ang mga taong nagse-save sa Pinterest ay malamang na bumili sa antas na gaya rin ng mga user mula sa ibang mga social channel, ngunit gumagastos sila nang 50% pa sa karaniwan kumpara sa iba pang mga social channel. Gagastos din sila nang 20% pa kaysa sa mga user na inirekomenda mula sa mga hindi social channel, kabilang ang paghahanap.

Gamit ang Pinterest, makikita ng Wayfair.com kung aling mga item ang madalas I-pin araw-araw kaya maiintindihan nila kung aling mga uso ang pinakasikat. Kinukuha nila ang mga impormasyong iyon at nag-aalok sila ng mga promotion sa ilang pinakasikat na item.

“Nagbibigay ang Pinterest ng pambihirang forum para magbahagi at mangolekta ng mga larawan ng aming produkto ang mga consumer, kaya ito talaga ay isang organic na paraan para bumuo ng kamalayan tungkol sa brand at maghikayat ng mga direktang pagbebenta,” sabi ni Lindsey Bachelder, community manager sa Wayfair.com. “Araw-araw binubuksan namin ang higit pa sa potensyal ng Pinterest para sa aming brand.”

Mga mungkahi mula sa Wayfair.com
  • Idagdag ang button na I-save sa bawat page ng produkto at article sa iyong site
  • Gamitin ang Mga Sikat na Pin na API para ipakita mismo sa iyong website ang mga sikat na Pin
  • Mag-alok ng mga promotion sa mga item na trending sa Pinterest
Mga Detalye