Sephora

Pinadadali ng Sephora ang pagdaragdag sa Pinterest

Sa maagang bahagi ng 2012, napansin ng Sephora ang umuusbong na trend sa pampaganda—palaging sini-save ng mga tao ang kanilang mga paboritong produktong pampaganda at inspirasyon sa mga Pinterest board, at marami sa mga larawang iyon ay mula sa Sephora. Bilang resulta, ang dumaraming posibleng kliyente ay natutuklasan ang mga produkto ng Sephora sa Pinterest at pagbisita sa Sephora.com. Para tulungang pagandahin ang kakayahang matuklasan ang kanilang brand at gawin itong mas madali para sa mga kliyente para mag-save at magbahagi ng kanilang mga paboritong produktong pampaganda, ang Sephora team ay nagdagdag ng I-save na button sa napakaraming page ng produkto sa panahon ng isang malaking muling pagdidisenyo ng website.

Pinamahalaan ng Sephora ang pagpapakilala ng I-save na mga buton sa “Sephora Color Wash” na campaign, na nilalayong tulungan ang mga taong maging pamilyar sa bagong hitsura ng kanilang site. Ang mga taong lumalahok sa campaign ay hinikayat na hanapin at i-pin ang mga mahalagang pampaganda na may kulay sa Sephora.com, na magbibigay sa kanila ng mas maraming pagkakataon para pagandahin ang mga feature ng site tulad ng paghahanap at pag-navigate. Sa loob ng ilang maikling buwan, ang Pinterest ay naging top 10 na nagrerekomendang site para sa sephora.com.

“Ang Sephora at Pinterest ay likas na akma kapag magkasama para sa mga mahilig sa pampaganda. Gusto naming dagdagan ang kamalayan tungkol sa aming brand at dalhin ang Sephora sa kanilang araw-araw na buhay sa Pinterest, kaya ginawa naming mas madali para sa aming mga kliyente na magawa ang natural na dumarating.”

60 %
paglaki sa traffic mula sa Pinterest
15 x
na mas maraming karaniwang gastos mula sa Mga Pinner, kumpara sa karaniwang user ng Facebook
Julie Bornstein
CMO at Chief Digital Officer, Sephora
“Ang Pinterest ay ang perpektong lugar para ibahagi at ipakita ang mga bagong produktong maaaring bilhin, mga how-to at mga astig na larawan. Ito ay isang lugar para makakuha ng inspirasyon sa pagpapaganda.”
Pakikipag-ugnayan sa mga tao sa pamamagitan ng email

Ang mga pang-marketing na email ay isa sa pangunahing programa Sephora sa pakikipag-ugnayan sa kliyente. Karaniwan, gusto nilang pag-eksperimentuhan ang mga paran ng paggamit ng email para magbunsod ng aktbidad sa Pinterest. Dagdag pa sa palaging pagsasama ng mga link sa kanilang Pinterest account sa mga footer ng email, gumagawa rin ang Sephora ng mga email na nakasentro sa Pinterest at pinahihintulutan ang mga tao na direktang mag-save ng mga produkto sa email. Para magbunsod ng mas konektadong karanasan sa Pinterest profile ng Sephora, gumagawa sila ng mga bagong board na nagpapakita sa disenyo ng kanilang mga email tulad ng Color Blocking board, na lumabas sa isang fall 2012 na email.

Ang mga email na napi-pin ay nagresulta sa malaking pagtaas ng aktibidad sa Pinterest para sa mga naka-feature na produkto. Ang Color Block na email ay gumawa ng mahigit sa 14,000 na pag-save. Ang dalawa sa larawan na pinakamadalas na-save hanggang sa kasalukuyan ay na-feature sa isang Pinterest email na lumabas sa kanilang buong listahan ng kliyente. Sa buwan na kasunod ng unang email campaign, nakakita rin ang Sephora ng 60% paglaki sa traffic mula sa Pinterest.

“Naisip naming abala ang mga kliyente at wala silang parating oras para bumili kaagad ng mga produkto mula sa aming mga email. Gusto naming gawing madali para sa kanila na mag-save para sa ibang pagkakataon kung mayroon silang nakitang gusto nila, pero medyo hindi pa sila handang bilhin.”

"Kapag gumagawa kami ng nilalaman para sa aming site o mga email, nag-iisip kami ng karagdagang paraan na makakatulong kami sa kuwento sa Pintereset. Gumagamit kami ng web analytics para tingnan ang mga sikat na Pin, sinusubukan ang mga quote layout mula sa mga founder ng brand, at sinusubukan ang iba't ibang kuha ng produkto—gumugugol kami ng oras para malaman kung ano ang gumagana at madalas nag-eeksperimento para makuha ito nang tama."

Ang Sephora ay gumagawa ng isang karanasan sa pamimili sa Pinterest

Sa halos 140,000 follower at 2,500 pin, alam ng Sephora ang gusto ng kanilang komunidad sa pagpapaganda. Sa paggamit ng Pinterest Analytics para obserbahan ang mga uri ng nilalaman na nakakakuha ng pinakamaraming Pin at pag-save, nalaman nila kung aling nilalaman ang magiging sikat sa mga tao— tulad ng mga listahan ng pampaganda, mga color swatch at mga chart ng mukha. Ang isang higit na matagumpay na estratehiya ay ang paggamit ng mga board para mag-store ng “It Lists.” Ang mga ito ay pinamamahalaan ng tauhan ng Sephora, at pinadadali nitong mabigyang-diin ang tunay na mga paboritong produkto ng mga tauhan ng Sephora pati rin ang anumang espesyal na tip at trick sa produkto. Mase-save ng mga kliyente ng Sephora ang mga produktong ito sa kanilang mga sariling listahan bilang mga paborito o mga bibilhin sa ibang pagkakataon.

Ang paguton ng Sephora sa pagbabahagi ng kanilang kadalubhasaan sa pagpapaganda ay nagresulta sa pangangalaga ng isang lubos na kwalipikadong audience. Ang karaniwang folloer ng Pinterest ay gumugugol ng 15 beses na dami ng pera sa Sephora.com kaysa sa karaniwang tagahanga ng Facebook.

“Madalas kaming tinatanong kung alin ang aming mga paboritong produkto. Hanggang ngayon, walang madali o masusukat na lugar para ibahagi ang kuwento ng “It Lists” ng aming mga tauhan. Gusto naming ibahagi ang aming kadalubhasaan, at hikayatin ang mga kliyenteng mag-save ng sarili nila. Tinutulugan sila nitong matandaan kung sa aling mga produkto sila interesado, at pinadadali sa kanilang mahanap ang mga ito kapag handa na silang bumili. Ito ay naging isa sa aming pinaka-pina-follow na mga board. Batay sa aming tagumpay sa mga listahan sa ngayon, pinaplano naming gumawa ng mas maraming paraan para magbahagi kami ng mga listahan na katulad nito para ipagpatuloy ang aming pakikipag-ugnayan sa aming mga pinner.”

Mga mungkahi mula sa Sephora
  • Gumamit ng email para manghikayat ng pakikipag-ugnayan sa Pinterest
  • Hikayatin ang mga customer na i-pin ang kanilang mga listahan ng pinamimili
  • Padaliin ang pag-save mula sa iyong website gamit ang I-save na button
Mga Detalye