Polyvore

Inaabot ang mga mahilig sa istilo at mga nagsisimula pa lang na interior decorator sa Pinterest

Sa Polyvore, gumagamit ang mga miyembro ng mag produkto mula sa mga retailer sa web para gumawa at magbahagi ng “sets,” virtual na mga collage para sa mga bagay tulad ng mga pang-date na outfit sa gabi at mga komportableng sala. Dahil nagse-save ang mga tao ng mahigit sa 5 milyong Pin tungkol sa fashion at 5 milyong Pin ng dekorasyon sa bahay araw-araw, hindi kagulat-gulat na mahigit sa 90% ng mga miyembro ng Polyvore ay mga Pinner din. 

“Mahihirapan kaming maghanap ng komunidad na may kaalaman sa istilo na hindi talaga baliw na baliw sa Pinterest! Hindi matatangi rito ang mga miyembro ng Polyvore—kumukuha sila ng inspirasyon sa fashion at disenyo sa halos kahit saan (tulad ng kanilang mga paboritong social network) at gustong-gusto nila ang pagbabahagi ng hitsurang sila mismo ang gumagawa,” sabi ni Vishwa Ranjan, Group Product Manager sa Polyvore.

1000 %
higit pang na-save na mga Pin
30 %
dagdag sa paulit-ulit na pagbisita
Vishwa Ranjan
Group Product Manager ng Polyvore
“Bawat buwan, Nagpi-pin ang komunidad ng Polyvore ng napakaraming hitsura sa Pinterest. Ginawa nitong matagumpay na kombinasyon ang Pinterest at Polyvore, kung saan ang sinumang mahilig sa istilo ay maaaring tumuklas, magbahagi at bumili sa dalawa nilang paboritong platform.”
Mas pinadadaling mag-save ng mga magagandang nakita gamit ang Pinterest API

Noong ni-launch ang beta na bersyon ng Pinterest Developers Platform, natuwa ang Polyvore na maging isa sa unang negosyo na makasali. Ginamit ng Polyvore ang Pinterest API para tulungan ang kanilang mga miyembro na awtomatikong i-save ang kanilang mga set bilang mga Pin. Madali na rin ngayong mase-save sa Pinterest ng mga miyembro ang anumang produkto o set na gusto nila sa Polyvore.

“Gusto ng aming mga user ang Pinterest, kaya anumang paraan gagawin namin para gawing madali sa kanilang magbahagi ng mga gusto nila sa Pinterest. Palagi silang humihingi ng mas madaling paraan para ibahagi nila sa Pinterest ang nahahanap nila,” sabi ni Ranjan.

Sa pagpapadali ng pag-save ng nilalaman, nakakuha ang Polyvore ng malaking boost pamamahagi sa Pinterest. Tumaas ang bilang ng mga Pin na na-save mula sa Polyvore nang tumataginting na 1000%, at ang bilang ng mga set na ibinabahagi ng mga miyembro noong gumagawa sila ng mga collage ay naging 25% mula sa 15%.

Dahil mas madalas nagse-save ang mga tao, mas madalas din nilang ginagamit ang Polyvore Nadagdagan nang 35% ang mga pag-click mula sa Pinterest. At, ang mga Pinner ang bumubuo sa 70% ng lahat ng pag-click mula sa Polyvore hanggang sa mga site ng retail.

“Nagkaroon kami ng magandang tagumpay sa pagsasamang ito. Ang Pinterest ang pinaka nangungunang network pagdating sa bilang ng mga pagbabahagi. Ito rin ang nangungunang network pagdating sa traffic,” sabi ni Ranjan.

Mga Detalye