Moorea Seal

Gumagamit ng Pin para sa kanyang mga pangarap

Noong 2009, si Moorea Seal ay isang illustration grad, na nahaharap sa isang karerang malungkot at katatapos lang ng pagbagsak ng ekonomiya. Para maayos ang mga bagay bagay, pinagsabay-sabay niya ang pagba-blog, graphic design, paggawa ng alahas, musika at pag-aalaga ng bata.

Pagkatapos sumali sa Pinterest, nakaipon si Moorea ng malaking pag-follow dahil sa kanyang maingat at may malawak na saklaw na mga board. Ang kasikatan ng kanyang Pinterest ay humantong sa mga kolaborasyon sa mga brand tulad ng Gap, Madewell at P&G. Ang mga outlet na tulad ng The Huffington Post ay sumulat ng mga feature tungkol sa kanyang pagsikat.

“Binigyan ako ng Pinterest ng malaking boost, ang boost na talagang inasam ng sinumang may malaking pangarap,” sabi niya.

Babae, store

Ilang taon ang lumipas, si Seal at ang kanyang kasosyo sa negosyo ay nagsimulang pag-usapan ang pagbubukas ng isang online na tindahang nagbebenta ng mga gawang-kamay na produkto ng mga designer sa U.S. kung saan ang bahagi ng mga nalilikom ay dino-donate sa charity. Nagbukas ang MooreaSeal.com, na pinapagana ng Shopify noong Hulyo 2013.

“Nang dahil sa Pinterest, tunay kong nahanap ang aking malikhaing ideya, partikular na pananaw at ang aking istilo na malinaw na tinukoy,” sabi niya. “Noong sinimulan kong gumawa ng mga partikular na board—mula sa damit na gusto ko hanggang sa disenyo, dekorasyon na pang-holiday, kahit magagandang kilay—noong nakita ko ang lahat ng aking Pin sa isang malaking grupo, nakita ko ang sarili ko sa mga larawang iyon.”

Moorea Seal
Nagtatag, Moorea Seal
Ang Pinterest ay ang #1 na dahilan kung bakit ako nagbukas ng online shop at storefront.
Pagtuklas sa mga pagbebenta sa store
Store

Pinterest pa rin ang pinakamalaking nagdadala ng traffic sa MooreaSeal.com at ang dahilan para sa malaking bahagi ng mga pagbebenta nito.

Noong Mayo 2014, nagbukas si Moorea Seal ng isang storefront sa Seattle at halos kalahati ng mga customer ng store nito ang pumupunta mula sa buong mundo dahil sa Pinterest at iba pang site ng social media.

“Ang Pinterest ay isang malaking pinagmumulan ng traffic at mga pagbebenta para sa aming online store at store front,” sabi ni Seal. “Hindi ako magbubukas ng aming online store kung hindi dahil sa Pinterest at sa malawak na pag-follow na malimit nagtatanong kung saan nila mabibili ang lahat ng magandang produkto na Pini-pin ko.”

Pagpapanatiling bago sa Mga Pin

“Ang pinakamahalagang bahagi ng marketing sa Pinterest ay magdagdag ng mga Pin na natural, personal at nakatuon sa pamumuhay,” sabi ni Seal. “Ang pinakamatagumpay na mga larawan ay maganda at hindi malilimutan—hindi lang dahil sa produkto ngunit dahil sa maingat na pag-iistilo at kapaligiran.” Nananatiling may kontrol si Moorea Seal sa pagpo-promote ng mga bagong produkto sa Pinterest sa pamamagitan ng mga regular na pagkuha ng litrato, at nangongolekta at nagpo-promote rin sila ng mga larawan mula sa kanilang mga follower at customer.

Alahas, store

Sa dumaraming nagpa-follow, nakakuha si Seal ng 2 librong deal sa Sasquatch Books Publishing House. Ang 52 Lists Project na inaasahang ilabas sa Setyembre 2015, ay nakatuon sa pagmamahal sa sarili at paggawa ng listahan. Hango ang librong ito sa serye ng blog na nakakuha ng mabilis na pagsikat sa Pinterest, na nakakuha ng ilan sa kanyang pinakamaraming pag-save.

Ang kanyang pangalawang libro na nakatuon sa pamumuhunan sa iyong bahay at sa sarili mo, ay ginagawa pa lang at ilalabas sa 2016. “Kung walang Pinterest, hindi ako magkakaroon ng pagkakataong magsulat ng libro sa edad na 28, lalo na ang 2 libro!” sabi ni Seal. “Magulo ang naging pakikipagsapalaran, at wala ako dito ngayon kung hindi dahil sa Pinterest.”

Mga Detalye

Layunin
Kamalayan tungkol sa brand
Traffic

Mga Rehiyon
North America

Mga Industriya
Retail