ELLE Germany

Panghihikayat ng traffic at pagpapasaya sa mga audience

Bahagi ng pandaigdigang ELLE brand, ang ELLE ay isang malaking fashion publisher sa Germany, tinatalakay ang pinakabago sa kagandahan, fashion at mga tema ng pamumuhay para sa kanilang German audience. Gusto ng ELLE Online na manghikayat ng mas maraming traffic sa kanilang website, dagdagan ang kamalayan sa brand at pakikipag-ugnayan sa kanilang nilalaman.

Paggamit sa button na I-save

Idinagdag ng ELLE Germany ang button na I-save sa kanilang web at mga mobile site para gawing simple para sa mga bisita na i-save ang kanilang mga paboritong article (na nanghihiakayat ng pagtuklas, mga muling pag-pin at traffic ng pagrerekomenda pabalik sa kanilang site). Malaki ang naging resulta: sa unang buwan pagkatapos mag-set up ng button ng I-save, nakita ng ELLE Germany na nagsimula ang mga taong magdagdag ng 3x na mas maraming Pin mula sa elle.de, at patuloy na dumami ang bilang magmula noon.

4000 %
pang mga pag-click
1000 %
pang mga pag-save
3 x
pang mga Pin ang nase-save bawat buwan
Susanna Riethmüller
Digital Director ng ELLE Germany
“Pagkatapos naming magdesisyong subukang ang Pinterest, at pagkatapos gamitin ang iba't ibang estratehiya sa pag-optimize, higit pang nagbubunga ang aming pakikipag-ugnayan. Ngayon, ang Pinterest ang aming pangalawang pinakamalaking pinagmumulan ng traffic sa pagrerekomenda sa social.”
Pino-promote ang kanilang profile sa Pinterest

Pagkatapos ayusin ang kanilang profile, nagpatakbo ang ELLE Germany ng isang dedikadong campaign para i-promote ang kanilang pagiging nakikita sa Pinterest. Nagdisenyo sila ng “I-follow kami sa Pinterest” na mga banner at inilagay ang mga ito sa ibaba ng mga article sa kanilang website pati rin sa sidebar. Nagsulat din sila ng article na nagfe-feature sa kanilang bagong profile sa Pinterest at dinala sa Facebook at Twitter para mag-udyok ng pagtataka sa kanilang Pini-pin.

"Sinimulan namin ang aming campaign ilang buwan na ang nakalipas at patuloy pa rin kaming tumatatag. Patuloy kaming nakakita ng magandang pakikipag-ugnayan sa mga Pin sa aming profile," sabi ni Teresa Strohm, Social Media Editor sa ELLE Germany.

Pagbibigay sa mga tao sa Pinterest ng gusto nila
  • Pagse-save ng mga Pin araw-araw: Sa pagdaragdag ng mga Pin halos araw-araw, palaging binibigyan ng ELLE Germany ang mga tao ng kanilang pinakamaganda at pinakabagong nilalaman—at tinutulungang unang maiisip ang kanilang brand.
  • Paggawa ng mga Pin na dinisenyo nang maganda: Ang ELLE Germany ay hindi lang gumagamit ng may istilong larawan para gawing sikat ang kanilang pang-editorial na nilalaman, sinusunod din nila ang mga malikhaing pinakamainam na kasanayan, nagdidisenyo ng mga Pin na mayroong vertical na format at mga text overlay para manghikayat ng mga tao sa isang sulyap. Sa pangkalahatan, pino-promote ang kanilang mga article na pinakamadalas i-save at i-like gamit ang mga vertical Pin.
  • Pagtuon sa mga temang gusto ng kanilang market: Gamit ang Pinterest Analytics, tinutuklas ng ELLE Germany kung ano ang pinakagusto ng kanilang audience—tulad ng mga tip at produkto sa pagpapaganda, pati rin ang mga Pin tungkol sa mga recipe at mga usong pagkain. Patuloy silang nagse-save ng mga Pin na sumasalamin sa mga panlasang iyon, at ang editorial team ng magazine ay palaging nagfe-feature ng seasonal na inspirasyon at mga usong pampaganda mula sa Pinterest sa pamamagitan ng pag-embed ng mga Pin sa kanilang site.
Isang may istilong kuwento ng tagumpay
  • 4000% dagdag sa mga pag-click sa website
  • 1000% dagdag sa mga muling pag-pin
  • 3x pang mga Pin ang nase-save mula sa kanilang site bawat buwan
  • Ngayon, ang Pinterest ay ang pangalawang pinakamalaking tagarekomenda sa social ng ELLE Germany
Mga mungkahi mula sa ELLE Germany
  • I-promote ang iyong profile sa Pinterest sa iyong mga marketing campaign sa iyong website
  • Gamitin ang button na I-save para gawing madali sa mga tao na i-save ang kanilang mga paborito mula sa iyong site
  • Gumamit ng mga vertical Pin para makakuha ng atensyon at manghikayat ng mas maraming pag-click
  • Gumamit ng mga kaalaman mula sa Pinterest Analytics para ipaalam ang iyong mga estratehiya sa Pag-pin
  • Gamitin ang Pinterest bilang pagkukunan para sa aming mga editorial article at mag-embed ng Mga widget ng Pin