EatSmarter

Binibigyan ng inspirasyon ang mga cook na nagsasaalang-alang ng kalusugan

Ang EatSmarter ay isang hub para sa masustansyang pagkain. Alam ng EatSmarter na ang Pinterest ay magiging perpektong lugar para magparami ng mga sumusubaybay rito, lalo na dahil sa kung gaano kasikat ang mga recipe sa platform. Nagdagdag ang team ng iba't ibang board para sa mga seasonal na event, mga paksang nagpapanatili ng interes buong taon at interes na nakatuon sa partikular na populasyon, mula sa Hapunan para sa Bagong Taon hanggang sa mga recipe para sa “Eskimo” diet.

Mahusay rin ang performance ng mga recipe at DIY na nilalaman. Gumawa rin ang EatSmarter ng mga espesyal na larawan para lang sa kanilang Mga Pin, na kinabibilangan ng before and after na visual para sa mga recipe bilang paran para maghikayat ng pakikipag-ugnayan. Kapag mukhang mas nakakatulong ang isang Pin, mas sumisikat ito sa mga tao sa Pinterest. Ang Mga Pin na sumusunod sa mga pinakamainam na kasanayan–ang mga vertical na format, at detalyadong paglalarawan–ang pinakanakakatawag-pansin.

Natutunan nila kung ano ang gumagana para sa kanila. “Ito ang equation: kung mas madalas kang Mag-pin, mas maraming traffic ang makukuha mo,” sabi ni Martin Kaltwasser ng EatSmarter.

12 x
na dagdag sa traffic ng pagrerekomenda
16 x
na pagdami ng mga impression
Pagpapalawak ng kanilang naaabot

Nagdagdag din ang EatSmarter ng button na I-save at ng button ng Pag-save kapag nag-hover sa kanilang website. Ang pagdaragdag ng mga button na ito sa mga page ng site ay humantong sa mas maraming pag-save ng mga tao sa nilalaman ng EatSmarter sa Pinterest.

Para magsabi pa sa mga mambabasa ng tungkol sa halaga ng Pinterest, nagdagdag ang EatSmarter ng mga widget ng Pinterest at siniguro nilang i-promote ang kanilang profile at mga board sa Pinterest sa kanilang website, sa mga email at sa mga social channel. Nagsimula sila ng isang dedikadong banner campaign at gumawa sila ng mga article para sa kanilang website tungkol sa kung paano gamitin ang Pinterest (hal. paano magplano para sa mga seasonal na event), na kasabay ring nagpapabalik ng mga user sa nilalaman nila sa Pinterest.

Martin Kaltwasser
EatSmarter
“Ang Pinterest ay isang pangmatagalan at napapanatiling tagumpay para sa amin, at simula pa lang ito. Nakakuha kami ng mahalagang traffic at nasasabik kaming makita ang susunod.”
Nakikita ang mga resulta

Nagbunga na ang kanilang mga pagsusumikap gamit ang Pinterest: Ngayon, ang Pinterest ay ang pangalawang pinakamalaking pinagkukunan ng traffic ng pagrerekomenda sa social ng EatSmarter. Sa loob lang ng isang taon, dumami ang traffic ng pagrerekomenda nang 12X mula sa Pinterest. Dumami ang mga impression nang 16X sa parehong panahon.

Gumagamit din ang EatSmarter ng Pinterest Analytics bawat linggo para makita ang mga uso. Tiningnan nila ang Mga Pin na may mataas na bilang ng muling pag-pin para ipaalam ang kanilang paparating na pang-editorial na nilalaman.

“Ang Pinterest ay isang pangmatagalan at napapanatiling tagumpay para sa amin, at simula pa lang ito,” sabi ni Kaltwasser. “Nakakuha kami ng mahalagang traffic at nasasabik kaming makita ang susunod.”

Mga Detalye