Casa Vogue

Pinalalawak ang naaabot at nanghihikayat ng traffic

Ini-explore ng Casa Vogue, na bahagi ng grupong Globo Condé Nast, ang pinakamaganda sa istilo, disenyo, arkitektura at sining sa kanilang nangungunang lathalang magazine at website. Nagsimula silang gumamit ng Pinterest noong 2014 at nakakuha ng kahanga-hangang mga resulta sa maikling panahon. Tinutulungan ng Pinterest ang Casa Vogue na maabot ang isang audience na naghahangad ng magagandang larawan ng mga bahay, mga pambihirang proyekto ng arkitektura at ang pinakamaganda sa disenyo. Habang sinasamantala ang mga larawang may mataas na kalidad na nasa website na nila, ginagamit nila ang Pinterest para ayusin ang kanilang nilalaman na may istilo sa mga may temang board na nagbibigay ng inspirasyon. Pini-feature ng Casa Vogue ang sikat na board na Mga Brazilian na Bahay, ngunit hindi matiis ng mga Pinner na hindi mapahanga (at i-save) rin ang kanilang magandang board ng Swimming Pool.

“Ang Pinterest ay isang natural at perpektong paraan para bigyan ng kaalaman at bigyan ng inspirasyon ang mga mambabasa tungkol sa dekorasyon, disenyo, arkitektura at sining,” sabi ng Marcela Tavares, Digital Strategy Manager ng Globo Condé Nast. Inaanyayahan din ang hinahangaan na mga propesyonal sa industriya na mag-ambag sa mga board ng mood na kumakatawan sa kanilang gawa—na pini-feature sa magazine at pino-promote sa website ng Casa Vogue at iba pang social platform. Pinagtutuunan ding mabuti nang pansin ng Casa Vogue ang Pinterest Analytics para makita kung aling mga Pin ang sikat sa kanilang audience.

Para gawing mas madali sa mga mambabasa na mag-save ng magandang mga ideya sa disenyo at dekorasyon, idinagdag ng Casa Vogue ang button na I-save sa bawat larawan sa kanilang website. Dahil as estratehiyang ito, dumoble ang bilang ng mga Pin na sine-save mula sa kanilang site, dinadagdagan ang pagiging nakikita ng kanilang brand pati rin ang mga pag-save at traffic ng pagrerekomenda. Idinagdag din nila ang button na I-follow sa lahat ng article para mahikayat ang mga mambabasa na maging bahagi ng kanilang komunidad ng Pinterest.  

2 x
na dagdag sa mga na-save na Pin
3 x
na dagdag sa mga impression at pag-click
Patuloy na pagdaragdag ng mga Pin

Nagdaragdag ang Casa Vogue ng mga bagong Pin nang kahit 3x sa isang linggo para palaging nakikipag-ugnayan ang mga Pinner at nagpo-promote ng kanilang mga pinakabagong ideya at disenyo. Pinapanatili nilang interesado ang mga Pinner sa masaya at detalyadong mga paglalarawan ng Pin na karaniwan ay mas mahaba sa apat na linya. Hindi lang nito ginagawang mas nakakahalina ang kanilang nilalaman, ngunit tinutulungan din nito ang mga bagon audience na mahanap ang kanilang mga Pin—dinadagdagan ang naaabot sa pangkalahatan. “Palagi naming iniisip ang Pinterest kapag oras nang manghikayat ng mas nakatuon at kwalipikadong mga mambabasa,” sabi ni Tavares.

Marcela Tavares
Digital Strategy Manager ng Globo Condé Nast
“Ang Pinterest ay isang natural at perpektong paraan para magbigay ng kaalaman at magbigay ng inspirasyon sa mga mambabasa tungkol sa dekorasyon, disenyo, arkitektura at sining.”
Mga Resulta

Narito ang nakita ng Casa Vogue ngayong taon kumpara sa nakaraan:

  • 2x na dagdag sa mga Pin na na-save
  • 3x na dagdag sa mga impression at mga pag-click
  • 5x na dagdag sa traffic sa website mula sa Pinterest (ayon sa Similar Web)
  • Noong 2016, gumugol ang mga mambabasang nanggagaling sa Pinterest ng 71% mas maraming panahon sa kanilang website
  • Pagdating sa mga page bawat pagbisita, bumibisita ang audience mula sa Pinterest nang 31% mas maraming page kaysa sa karaniwang mambabasa
Ano ang gumagana

Mga tip mula sa Casa Vogue: 

  • Ipatupad ang button na I-save sa lahat ng larawan para gawing madali sa mga tao na i-save ang iyong nilalaman at dagdagan ang traffic ng pagrerekomenda.
  • Magdagdag ng may kaalaman, maraming laman na mga paglalarawan sa mga Pin para makahikayat ng mga bagong audience at magbigay ng inspirasyon sa mga tao sa Pinterest para bumisita sa iyong site.
  • Palaging magdagdag ng mga Pin para panatilihing nakatuon ang mga tao sa Pinterest.
  • I-promote ang mga board ng Pinterest sa iyong website at iba pang social platform.
Mga Detalye

Layunin
Kamalayan tungkol sa brand
Traffic

Mga Rehiyon
Timog at Sentral Amerika

Mga Industriya
Media

Mga ginagamit na produkto
I-save na button
Pinterest Analytics