BuzzFeed

5 nakamamanghang lesson sa Pinterest mula sa BuzzFeed

1. Ang Pinterest ay isang malaking tagadala ng traffic.

Unang nakakita ng pagtaas sa traffic sa Pinterest ang BuzzFeed noong nag-postsi Peggy Wang, unang editor ng BuzzFeed, noong Hunyo 2012 tungkol sa mga DIY na proyekto. Madaling nakahikayat ang post sa Pinterest, at nakumbinsi ang BuzzFeed na dapat silang magtuon sa Pinterest. Simula noon, nakakuha sila ng mahigit sa 2.3M pagtingin sa unang DIY na post na iyon mula lang sa Pinterest, at nadagdagan ang kanilang mga post sa maraming kategorya. 

“Ang Pinterest ay ang pangalawang pinakamalaking tagarekomendang social network ng BuzzFeed. Mas matagal na rin ito kaysa sa ibang mga social network, na kadalasang nagdadala ng traffic sa mga post ilang buwan pagkatapos ng pag-publish. Sa katunayan, mahigit sa kalahati ng traffic sa BuzzFeed na mula sa Pinterest ay mula sa mga post na na-publish mahigit 2 buwan na ang nakalipas,” sinabi ni Dao Nguyen, VP ng Paglaki at Data sa Buzzfeed. 

10 x
na dagdag sa na-save na Pin
77 %
ng mga pagbisita mula sa Pinterest ay sa cellphone

2. Baka ikagulat mo kung paano nagdadala ng traffic ang Mga Pin.

Ang Mga Pin na pinakamadalas i-save ay hindi palagi ang mga nagdadala ng pinakamaraming traffic. Dahil ang ilang Pin (tulad ng mga nakakatawang Pin) ay masyadong nakakapukaw, nagki-click agad ang mga mambabasa para makita ang natitirang bahagi ng post. Maaari nila itong i-save sa ibang pagkakataon o hindi. Ang ibang Pin, tulad ng magagandang larawan ng pagkain o paglalakbay, ay madalas nase-save pero hindi kaagad ito kini-click ng mga mambabasa. Nalaman ng team na ang parehong uri ng nilalaman ay mahalaga, kahit na may iba't ibang pattern ng traffic ang mga ito.

 

3. Mag-eksperimento sa matalinong paraan. 

Ang mga post sa BuzzFeed mula sa mga klasikong kategorya tulad ng Pagpapaganda, Bahay, Mga Gawang-kamay, Fitness at Pagkain ay may mahusay na performance sa Pinterest, pero nalaman nila na mahusay rin ang performance ng ibang mga paksa tulad ng mga tattoo, libro, mga post na mula sa Disney at katatawanan. Sa katunayan, sa 100 nangungunang post ng BuzzFeed sa Pinterest, mahigit sa 30% ng traffic ay para sa nakakatawang mga post. Palagi silang nag-eeksperimento sa mga bagong kategorya at post para makita kung ano ang matunog, pagkatapos ay ginagamit ang kanilang estratehiya sa pag-edit at sa produkto batay doon. 

Dao Nguyen
Bise-presidente ng Paglaki at Data, BuzzFeed
“Ang Pinterest ay ang pangalawang pinakamalaking tagarekomenda ng social network ng BuzzFeed. Mas matagal na rin ito kaysa sa ibang mga social network, na kadalasang nagdadala ng traffic sa mga post ilang buwan pagkatapos ma-publish. Sa katunayan, mahigit sa kalahati ng traffic ng BuzzFeed mula sa Pinterest ay mula sa mga post na na-publish mahigit 2 buwan na ang nakalipas.”

4. Gawing madaling I-pin ang nilalaman, lalo na mula sa cellphone.

Mahilig magbahagi sa Pinterest ang mga mambabasa ng BuzzFeed, kaya ginagawang madali ng team para sa mga mambabasa na Mag-pin sa pamamagitan ng pagsasama ng I-save na mga button at “I-follow kami sa Pinterest” na mga widget sa kanilang site. Dinagdagan din nila ang laki ng I-save na button sa kanilang mga bar para sa pagbabahagi at sa mga indibiduwal na larawan para sa mga mambabasang mula sa Pinterest.

77% ng pagbisita mula sa Pinterest papunta sa BuzzFeed ay sa cellphone, kaya sinisiguro rin ng team na naglo-load nang mabilis ang kanilang mobile site at naka-optimize ito para sa pag-save, tulad lang ng kanilang website.

“Kapag nanggaling ang mambabasa mula sa Pinterest app sa cellphone, ipinapakita namin ang I-save na button sa itaas ng larawan. Nalaman naming nadagdagan nito ang mga Pag-pin nang 10 beses!” ang sabi ni Nguyen. 

 

5. Alamin kung ano magandang Pin para sa iyo. 

Nalaman ng BuzzFeed team na ang pagdidisenyo ng isang larawang handang ilagay sa Pinterest—tulad nitong larawan ng tubig na nilagyan ng prutas— na nasa itaas ng isang post ay nanghihikayat ng mas maraming pag-click, lalo na kapag mataas at nagbibigay ng inspirasyon ang larawan. 

Napansin din nila na ang pagsusulat ng magandang mga paglalarawan ng Pin ay mahalaga, lalo na kung hindi maganda ang larawan pero talagang nakakawili o kapaki-pakinabang ito. Ang magagandang paglalarawan ay mas madalas i-save at i-click sa pangkalahatan dahil mas madaling makita ang mga ito. 

Patuloy na pinag-aaralan ng team kung paano nagbabago ang paggamit sa Pinterest habang nagbabago ang komunidad, at ginagamit nila ang data na nakikita nila para gabayan ang kanilang editor at mga pagpapasya sa produkto. 

Dagdag pa ni Nguyen: “Ang Pinterest ay hindi lang pinagmumulan ng traffic, kung hindi isa ring pinagmumulan ng inspirasyon. Ang mga ideya na nagmumula sa paggamit ng Pinterest ay kadalasang nagkakaroon din ng magandang kahihinatnan sa ibang mga social network. Gusto namin ang Pinterest!”

Larawan: backtoherroots.com

Mga Mungkahi mula sa BuzzFeed
  • Mag-eksperimento sa mga bagong kategorya, tulad ng katatawanan, at mga post para makita kung ano ang nagugustuhan ng mga follower
  • Gumawa ng custom na mga larawan sa iyong mga post para sa madaling pagse-save
  • Idagdag ang button na I-save sa mga page at larawan ng iyong site
Mga Detalye

Layunin
Kamalayan tungkol sa brand
Pakikipag-ugnayan
Traffic

Mga Industriya
Media

Mga ginagamit na produkto
I-save na button
Mga Rich Pin