Best Friends for Frosting

Pangunguna sa lifestyle space sa pamamagitan ng trending na content

Nabuo ng lifestyle blogger na si Melissa Johnson ang kanyang reputasyon, brand at negosyo sa tulong ng mga trend na nakikita niya sa Pinterest. Sa husay niya sa pagtukoy ng mga papatok na trend, nakakuha siya ng malalaking media partnership, nagkaroon ng milyun-milyong view ang kanyang mga video, at napalawak niya ang kanyang naaabot.  

Pagkuha sa atensyon ng mga mambabasa sa pamamagitan ng mga trending na paksa

Ipinagdiriwang ng lifestyle blog na Best Friends for Frosting ang masaya at masiglang pamumuhay. Sinimulan ni Melissa Johnson ang site noong 2010 bilang isang paraan para magbahagi ng mga recipe ng dessert, pero kalaunan ay pinalawak niya ito at nagsama siya ng content tungkol sa disenyo, dekorasyon sa bahay, mga DIY project, motherhood, entertainment, at iba pa.

Bilang matagal nang fan ng Pinterest, ginagamit ni Melissa ang platform para maghanap ng inspirasyon para sa kanyang kalendaryo ng content. Nitong mga nakaraang taon, nagsimula siyang makapansin ng pattern: May mga bagay na makakatawag ng kanyang pansin sa Pinterest—istilo, kulay, sangkap, o gamit—na hindi kalaunan ay magiging patok na trend. Ganito ang nangyari sa mga chevron print noong kasisimula pa lang niya sa kanyang blog, at naulit ito sa mga pinya, flamingo, sisne, glitter, chambray, at marami pang iba. Kaya naman nagpasya siyang sundin ang kanyang kutob, at sinimulan niyang gamitin ang Pinterest para makakuha ng ideya para sa kanyang istratehiya sa content. Hindi nagtagal, naging isang eksperto si Melissa sa lifestyle space.   

mga cookie na hugis puso

Pin ng gingham-inspired na cookie ni Melissa para sa Draper James.  

Pattern para sa branding

Sa pagpapalawak niya ng kanyang blog sa paglipas ng mga taon, patuloy na sinamahan ni Melissa ang kanyang content ng mga papatok na trend mula sa Pinterest. Sinunod niya ang kutob niya, at gumamit siya ng mga tip mula sa mga ulat sa trend sa page ng mga insight ng Pinterest Business. Gumagawa siya ng board tungkol sa nakikita niyang papatok na trend. Pagkatapos, pinaplano niya ang mga ipo-post sa Best Friends for Frosting, pati na rin ang mga collaboration project at mga post ng guest editor sa iba pang blog.

Ginamit din ni Melissa ang kanyang husay sa pagtukoy ng trend para mag-pitch ng mga ideya ng artikulo sa Better Homes & Gardens. Halimbawa, noong Halloween 2017, alam ni Melissa na trending ang mga unicorn, at sikat na sikat ang mga pumpkin tuwing taglagas. Kaya naman, iminungkahi niya ang pag-post ng DIY na unicorn pumpkin craft project. Nagustuhan ito ng magazine team at nag-viral ang post. Dahil sa ganda ng naging performance nito, ginawan ito ng Better Homes & Gardens ng video na maibabahagi nila sa iba't ibang social platform. Nag-viral din ang video na iyon—nakakuha ito ng 2.3 milyong view sa Facebook page ng magazine sa una nitong taon. 

Nakabuo ng pangunahing item ng sarili niyang brand si Melissa noong hiniling ng Draper James, ang lifestyle brand ni Reese Witherspoon, na gumawa siya ng guest post para sa 2017 holidays. Palaging nakikita ni Melissa ang gingham sa kanyang feed sa Pinterest, at gusto niya itong subukan para malaman kung ito ang susunod na papatok na pattern. Gumawa siya ng pecan pie bar, binalot niya ito sa gingham ribbon, at gumawa siya ng post tungkol dito para sa Draper James. Napakaganda ng naging performance ng post, kaya naman hiniling ng Draper James sa kanya na gumawa ng isa pang post para sa Valentine’s Day. Alinsunod sa kanyang tema, ibinahagi niya ang paborito niyang recipe para sa sugar cookies, na ginawang hugis-puso at nilagyan ng pink na gingham frosting.

Noong nilapitan siya ng Greetabl, isang kumpanyang gumagawa ng naka-personalize na photo gift box, para sa isang eksklusibong collaboration, gumawa siya ng gingham pattern para sa kahon nila. Sa loob lang ng isang buwan, naubos kaagad ang koleksyon, na mayroon ding mga stripe at pinya.  

Dahil sa mga matagumpay na partnership na ito, ang gingham ay naging pangunahing bahagi ng brand ng Best Friends for Frosting. Palaging sinusubukan ni Melissa na isama ang gingham sa karamihan ng kanyang mga post para mabigyan ng nag-uugnay na tema ang kanyang mga mambabasa, nang sa gayon ay matukoy nila ang kanyang content sa tuwing makikita nila ito sa web. Gusto niyang maalala ng mga mambabasa ang Best Friends for Frosting sa tuwing makikita nila ang gingham—lalo na ang pink na gingham.

Melissa Johnson
May-ari, Best Friends for Frosting
“Talagang masasabi kong nahuhulaan ko ang mga trend batay sa nakikita ko sa Pinterest. Inililista ko ang lahat ng nakakakuha ng pansin ko. Pagkatapos, nag-iisip ako ng mga bagong konsepto ng content na papatok sa audience sa Pinterest.”
Pagkilala sa industriya

Dahil sa palaging pumapatok na istilo ni Melissa, lubos na siyang pinagkakatiwalaan sa lifestyle space. Nakatulong ito sa kanyang makabuo ng mga strategic na partnership at collaboration—at tumaas din ang sales niya dahil dito.

Alam ng mga fan ni Melissa na palagi nilang makikita ang mga pinakabagong trend sa Best Friends for Frosting. Binibigyan na rin nila ngayon si Melissa ng inspirasyon, sa pamamagitan ng paglalagay ng signature na hashtag ni Melissa na #SOBestFriendsForFrosting sa tuwing may makikita silang nakakapagpaalala sa kanila ng kanyang brand. Naibahagi na ang hashtag nang 120,000 beses sa iba't ibang social platform hanggang sa huling bahagi ng 2018.

Nakatulong din ang pagkilala sa industriya at malaking audience sa patuloy na pagpapalago ni Melissa sa kanyang negosyo. Kasama sa kanyang mga pinakabagong proyekto ang isang bagong podcast, ang “Heartfelt Success,” at isang Airbnb property sa Sacramento, California na nagbibigay-buhay sa mga board sa Pinterest ng Best Friends for Frosting. Talagang umunlad ang negosyong ito. Sa katunayan, full-time na rito ngayon si Melissa at ang kanyang asawa.

Mga Detalye

Layunin
Kamalayan

Mga Rehiyon
North America