Artifact Uprising

Isang negosyong natuklasan sa Pinterest

Ang Artifact Uprising ay isang kumpanya sa Denver na gumagawa ng mga nahahawakang produkto mula sa mga digital na litrato. Ang isa sa mga photo book ng Artifact Uprising ay na-save at sa kalaunan ay kinuha ng isang blogger noong Oktubre 2012. Tinulungan ng kanyang post ang Artifact na paulit-ulit na ma-save, na humantong sa 48,000 pagpunta sa kanilang site sa loob ng isang linggo kasunod ng post. 

“Ang aming mga produkto ay likas na matagal at nilalayong gumawa," paliwanag ni Kate Thurmes, chief creative officer. “Nalaman namin na ang Pinterest ay gumagana bilang bookmark na nagbibigay ng motibasyon para sa mga proyektong ito na hinahangad mong gawin… tinutulungan ng Pinterest na pag-ugnayin ang mga bagay sa pagitan ng aktwal na paggawa ng mga proyekto sa halip na sa ‘balang-araw.’"

Kate Thurmes
Chief Creative Officer ng Artifact Uprising
Hindi pa rin kami uunlad kung hindi dahil sa Pinterest.
Pagtuon sa kalidad

Ang Artifact Uprising ay nagbabahagi ng inspirasyon sa kanilang mga produkto at sa pangkalahatang pagkakakilanlan ng brand. Hindi lang sila nagbabahagi ng mga Pin ng produkto ngunit nagbabahagi rin sila ng inspirasyon tungkol sa produkto na pumupukaw sa pamumuhay, kabilang ang isang board na nagfe-feature ng iba't ibang paraan para gamitin ang kanilang mga produkto. Nagdaragdag sila ng mga Pin mula sa kanilang website at tinitiyak na mataas ang kalidad ng mga larawang iyon. 

“Ang mga kuha ng maganda at may kontekstong produkto ay nagbubunsod ng pinakamaraming traffic at kita,” sabi ni Thurmes. “Karaniwan kaming nagla-launch ng 3-4 na iba't ibang Pin ng produkto at inilalagay ang lahat ng aming promotion sa likod ng Pin na pinakamahusay ang pagganap. Mas sikat at maganda, mas maganda ang pagganap.”

Nagdadala rin ng traffic sa Artifact Uprising ang mga Pin na mayroong mga how-to. Dahil ang lahat ng ito ay tungkol sa potograpiya, maganda ang pagganap ng mga Pin na nali-link sa mga gabay para sa pagkuha ng mas magandang mga litrato sa iPhone, halimbawa. 

Nagdaragdag ng mga Pin ang Artifact Uprising sa buong araw—pinakamadalas sa umaga at hapon. Nakatuon din sila sa pagiging napapanahon, pagkuha ng interes sa mga holiday at iba pang may kaugnayang paksa sa mga panahon. Ginagawa nila ito nang hindi kinakalimutan ang kanilang sariling mga alituntunin ng brand, na nakatuon sa kalidad kaysa sa dami.

Pag-alam sa gumagana

Nalaman ng Artifact ang lahat ng ito gamit ang A/B testing ng kanilang mga Pin. Bawat linggo sinusubukan nila ang 1 o 2 teorya sa kung ano ang magiging sikat, pagkatapos ay subaybayan ang mga resulta gamit ang Pinterest Analytics.  

At nagulat sila. Minsan ang tinugunan ng mga customer ay iba talaga sa inisyal nilang inaasahan. Ang potograpiya sa cellphone, bilang isang halimbawa ay naging mas malaking kategorya kaysa sa inaakala nila. Gumugol sila ng mas maraming panahon sa pag-promote ng kanilang mga produkto at app sa cellphone dahil talagang nanghihikayat ito ng mga customer. 

“Hindi tulad ng ibang analytics o mga social media channel, pinapayagan kami ng Pinterest na makita kung sa anong iba pang kategorya interesado ang aming mga follower,” sabi n Thurmes.  Halimbawa, nagpakita ang analytics ng isang matinding overlap sa pagitan ng mga taong gusto ang mga Pin ng Artifact Uprising at ng mga gumugugol ng maraming oras sa DIY na mga proyekto. Ang kamalayang iyon ay nagbunsod sa pagtuon ng Artifact Uprising sa mga pagsusumikap sa pag-target ng mga follower at blog ng DIY, na naging matagumpay  

Pinapayagan din ng Pinterest ang Artifact Uprising na malaman ang sentimiyento ng produkto. 

“Ni-launch namin ang isang Pin ng bagong produkto, o kahit ang dati na, at nahuhulaan nang mabuti kung gaano tutugon nang mabuti rito ang kabuuang bilang ng aming customer batay sa kung gaano ka-viral ang mga Pin sa Pinterest,” sabi ni Thurmes. “Napakahalaga nito para tulungan kaming pagtuunan ang aming mga pagsusumikap sa marketing at produkto."

Pag-eeksperimento gamit ang Mga Na-promote na Pin

Ang Pinterest ay ang pangunahing estratehiya sa marketing ng Artifact Uprising. Bumuo rin sila ng seksyong pinakamadalas I-pin  at gallery ng ideya sa kanilang website para bigyang-diin ang sikat at nagbibigay-inspirasyon na mga proyekto, idinagdag ang isang click na button na I-follow at isinama ang Pinterest sa kanilang regular na schedule ng email. Sa kanilang mga email, binibigyang-diin nila ang mga account ng Pinner na mae-enjoy ng kanilang mga subscriber at ituturo sila sa iba pang board na maaaring pumukaw ng imahinasyon ng customer.

Kapag iniisip nila ang pakikipagkolaborasyon sa iba pang blog at mga kritiko, tinitiyak nila na talagang Karapat-dapat I-pin ang nagawang nilalaman. 

“Gusto namin ang Pinterest dahil wala itong katulad…ang may hangarin, nakikita at malikhaing mga katangian nito ay ginagawa itong tamang-tamang paraan para sa uri ng gawain na ginagawa namin,” sabi ni Thurmes. “Ang Pinterest ay kumakatawan sa ganap na bagong kinabukasan kung paano makakakonekta ang mga brand sa mga posibleng customer at binibigyan ng inspirasyon ang mga nakonekta na nila.”

Sa loob lang ng 18 buwan, lumaki ang Artifact Uprising sa isang multi-million dollar na kumpanya na lumago nang triple. 

Inieksperimento rin nila ang Mga Na-promote na Pin.

“Gusto palaging tumuon ng aming kumpanya sa kamalayan at binigyan kami ng Mga Na-promote na Pin ng paraan para magsukat sa isang platform na madaling gamitin na matagal na naming hinahanap,” sabi ni Thurmes. “Mas marami kaming nalaman tungkol sa bilang ng aming mga customer at paano sila ta-targeting at hahatiin mula sa Mga Na-promote na Pin kaysa mula sa anumang iba pang media platform.”

Tinutulungan ng Mga Na-promote na Pin ang Artifact Uprising na maabot ang mga tamang tao nang maramihan—kaya hindi nila kailangang asahang maging viral ang isang Pin para umunlad. 

Idinagdag pa niya: “Inaasahan namin ang pagiging malikhain nitong bagong uri ng pag-a-advertise na hihilingin ng mga brand… Kaya inilaan namin ang halos buong budget namin sa pag-a-advertise sa Mga Na-promote na Pin.”

Mga Mungkahi mula sa Artifact Uprising
  • Gumamit ng Pinterest Analytics para malaman kung ano ang mga interes ng iyong mga customer at gumawa ng estratehiya ng nilalaman batay sa kung saan umaakma ang iyong brand
  • Magdagdag ng mga larawang maganda at mataas ang kalidad na halo ng mga kuha ng produkto na may konteksto, mga halimbawa ng nakakainteresadong paggamit at mga larawan ng pamumuhay na nagbibigay ng inspirasyon
  • Isama ang Pinterest sa iyong website at mga email para manghikayat ng mga follower at pag-save, na nagbibigay-diin sa mga sikat na Pin at mga seasonal na board