Button na I-save para sa mga website

Gawing madali para sa tao na i-save ang nilalaman ng iyong site

Tinutulungan ng button na I-save ang mga tao na i-save ang nilalaman ng iyong website direkta sa Pinterest. Kapag na-install mo ang button, may naki-click na logo ng Pinterest na lalabas sa mga larawan ng iyong website. Maaaring i-click ng mga bisita ang logo para i-save ang iyong nilalaman diretso sa kanilang mga board sa Pinterest.

I-boost ang mga impression sa loob at labas ng Pinterest

Sa tuwing may gagamit ng button na I-save, nagdaragdag sila ng higit pa ng iyong nilalaman sa Pinterest. Nangangahulugan iyon na makikita rin ito ng iba pang Mga Pinner, na nagbu-boost ng iyong mga impression. Tatlong buwan matapos idagdag ang button na I-save ng AllRecipes.com, nakita nilang na-save ng mga tao ang mahigit sa 50,000 sa kanilang mga recipe sa Pinterest, na nagreresulta sa 130 milyong kabuuang impression. Ang mga impression sa Pinterest ay maaari ring maghikayat ng traffic sa site dahil ang mga taong interesado sa iyong Mga Pin ay magki-click sa iyong site.

Tingnan kung ano ang gusto ng Mga Pinner

Kapag idinagdag mo ang button na I-save sa iyong website, maaari mong gamitin ang Pinterest Analytics para makita kung anong nilalaman mula sa iyong site ay pinakasikat sa Pinterest. Masusubaybayan mo rin kung ano ang sine-save ng mga Pinner mula sa iyong site.

button na i-save na nagho-hover
Iangkop ang button para sa iyong mga pangangailangan

Mayroong dalawang uri ng button na I-save: ang awtomatikong button at i-hover na button. Gamit ang awtomatikong button, ang naki-click na logo sa Pinterest ang lalabas sa bawat larawan sa iyong site. Kung pipiliin mo ang “i-hover” na bersyon, lalabas ang naki-click na logo kapag direktang inilagay ang mouse sa larawan. Nagbibigay-daan ang parehong mga button sa mga Pinner na mag-save nang direkta sa kanilang mga board.

Maaari mong i-configure ang laki, hugis at kulay ng button na I-save para tumugma ito sa hitsura at pakiramdam ng iyong website. Kakailanganing may alam kang basic na HTML para magawa ang button. Magtatagal lang nang ilang minuto ang paggawa nito gamit ang aming mga detalyadong tagubilin.