Ano ang iniaalok ng mga ito
Ang DoubleVerify ay isang nangungunang software platform para sa measurement, data, at analytics ng digital media. Ang misyon ng DV ay maging pangunahing pinagmumulan ng transparency at mga data-driven insight tungkol sa kalidad at bisa ng digital advertising para sa pinakamalalaking brand publisher, at digital ad platform sa mundo. Ang technology platform ng DV ay nagbibigay sa mga advertiser ng consistent at unbiased na data at analytics na puwedeng gamitin para i-optimize ang kalidad at return sa mga digital ad investment. Mula pa noong 2008, daan-daang Fortune 500 company na ang natulungan ng DV na masulit ang kanilang puhunan sa media sa pamamagitan ng paghahatid ng mga best in class solution para sa buong digital advertising ecosystem, na nakakatulong na bumuo ng mas magandang industriya.