Pataasin ang mga resulta ng mas mababang funnel gamit ang mga nakalaang tool sa performance marketing. Mula sa mga conversion sa web hanggang sa mga in-store na pagbebenta, magagawa mo ang lahat sa Pinterest.
Narito ang mga taong gumagamit ng Pinterest para kumilos. Parehong tumaas ang mga pag-click at pag-save nang 50% kumpara sa nakaraang taon para sa aming mga nabibiling format ng content.1
Nagbibigay sa iyo ang mga pinalawak na solusyon ng higit pang paraan para mapahusay ang performance. Sa aming bagong feature na mobile deep link pa lang, natulungan na ang mga brand na mapalago ang mga conversion nang 3x.2
Nagbibigay ang mga bagong solusyon sa pagsukat ng mas mahusay na pagtingin sa epekto ng channel. Halimbawa, ang mga brand na gumagamit ng Conversions API ay nakakasukat ng average na 28% pagtaas sa mga conversion na nauugnay sa Pinterest.3
I-explore ang aming mga solusyon
Kasama sa aming pinalawak na suite ang mga bagong produktong tulad ng mga mobile deep link at direktang link, at mga pinahusay na shopping ad at na-update na Conversions API. Sa kabuuan, mas madali na ngayon kaysa sa dati na magdisenyo ng isang estratehiyang magagamit para sa mga layunin mo. Mag-explore sa ibaba para tingnan ang aming kumpletong hanay ng mga solusyon at rekomendasyon sa produkto ayon sa layunin.
Mga malinaw na naaaksyunang resulta
Bago ka magsimula, tiyaking ipapatupad ang Conversions API. Pinoprotektahan nito ang pag-track ng conversion para makita mo ang tunay na epekto ng mga Pinterest ad. Kapag naka-live na ang mga campaign, gamitin ang Pinterest Analytics para sa mga mabilisang pagsusuri sa pagkilos at ulat ng pagtatapos ng campaign.
Magsuri at matuto para patuloy mong mapaganda ang mga resulta sa paglipas ng panahon. Tinutulungan ka ng mga solusyong tulad ng mga pagsusuri sa incrementality na ihiwalay ang mga indibidwal na variable at ulitin ang mga proseso sa mga pagpapatakbo sa hinaharap.
Bumuo ng isang sistema ng pagsukat ng katotohanan na nagpapakita ng epekto ng Pinterest kaugnay ng iba pang touchpoint. Matutulungan ka ng aming mga aprubadong partner sa pagsukat na magsagawa ng mga pag-aaral tulad ng multi-touch attribution o media mix modeling.
Simulan ang tagumpay sa pamamagitan ng aming framework sa performance
Tinuturuan namin ang mga kliyente para magtagumpay gamit ang aming framework na Paraan sa Performance, na nakabuod sa ibaba. Nagmula ang mga tip na ito sa data sa tunay na platform, at matutulungan ka ng mga itong ma-optimize ang istruktura ng campaign, estratehiya sa pagsusuri, at creative mo.
May magkakaibang uri at lawak ang mga layunin sa performance. Mabuti na lang, ganoon din ang ating mga solusyon. Pagsamahin at pagtugmain ang mga produkto at layunin sa page na ito para maidisenyo ang naaangkop na diskarte para sa negosyo mo. Maaari ka ring magpatakbo ng mga campaign sa performance kasama ng mga layunin sa mas mataas na funnel tulad ng kamalayan para ganap na maging buong funnel.
Puwedeng magkaroon ng direktang epekto ang kundisyon at istruktura ng feed ng produkto sa mga resulta ng mas mababang funnel. Pumapasok ang metadata ng iyong feed sa mga tool para sa kaugnayan, pagkagusto sa auction, at higit pa. Kung mas maganda ang iyong data, mas mahusay na maipapakita ng Pinterest ang iyong content sa mga pinakanauugnay na tao, sa mga pinakaestratehikong pagkakataon. Gamitin ang aming pinakamahuhusay na kagawian sa feed ng produkto (available sa English lang) para i-optimize ang iyong metadata o gumawa ng ilang pagbabago sa mga nauugnay na elemento tulad ng pag-target. Maaari ka ring kumuha ng klase na nakalaan sa kalusugan ng feed ng produkto sa Pinterest Academy (available sa English lang).
Inirerekomenda namin ang pag-aayos ng mga campaign sa paraang nakakabawas sa pag-overlap ng audience at tumutulong sa iyong makapagsuri nang mas epektibo. Tinatawag namin itong "MECE" na diskarte (mutually exclusive, collectively exhaustive). Partikular na para ito sa mga campaign sa mas mababang funnel, at tinutulungan ka nito na sadyang ihiwalay ang mga tumpak na variable para sa pagsusuri. Ibig sabihin nito, makukuha mo ang mga tamang insight para matuto at patuloy mong mapapaganda ang mga resulta. Alamin kung paano ilapat ang MECE na diskarte sa aming nakalaang blog post (available sa English lang) o sa Pinterest Academy (available sa English lang).
Nauugnay dapat nang direkta ang mga asset ng campaign sa mga layunin sa performance nang may mga malinaw na CTA at nagbibigay-inspirasyong larawan ng produkto. Isipin ang visual na konteksto ng Pinterest kapag nagdidisenyo ka ng mga ad: Gusto mo talagang mangibabaw ang iyong mga larawan mula sa iba pang Pin sa platform. Para sa mas mahahabang campaign, magpalit ng creative sa kalaunan para mapanatiling bago ang mga bagay at mapaganda ang mga resulta. Para sa mga mas detalyadong creative tip para sa mga performance ad, kunin ang aming kurso sa Pinterest Academy (available sa English lang).