Ang Pinterest ay isang visual na platform sa pagtuklas kung saan naghahanap, nagse-save, at kumukuha ng mga ideya ang mga tao. Ginagamit ito ng mga tao para maisalarawan ang kanilang hinaharap, mula sa mga pang-araw-araw na desisyon hanggang sa malalaking milestone sa buhay.
Isang posibilidad ang bawat Pin
Hindi palaging nailalarawan ng mga tao sa salita kung ano ang hinahanap nila. Pero malalaman nila ito kapag nakita na nila iyon. Habang nagba-browse sila ng content sa Pinterest (tinatawag na “Mga Pin”), napipili nila ang mga gusto nila at nahahanap nila ang perpektong ideya.
At hindi doon natatapos ang paghahanap nila. May aksyong ginagawa ang mga tao sa Mga Pin na pinakagusto nila—sine-save nila ang mga ito para sa ibang pagkakataon, kini-click nila ang mga ito para sa higit pang impormasyon, at binibili nila ang mga produktong natutuklasan nila.
Pagpaplano sa kung ano ang susunod
Naghahanap ng puwedeng gawin ang mga tao sa Pinterest. Narito sila para pasiglahin ang kanilang pang-araw-araw na buhay (mga recipe para sa hapunan, tip sa takdang-aralin), ipagdiwang ang mga espesyal na sandali (mga birthday party, mga trip para sa bucket list) at magplano para sa susunod nilang gagawin (mga pagpapaganda ng bahay, kolehiyo, bagong anak).
Naglalaman ang ilang Pin ng mga video o tutorial para magturo ng mga bagong kasanayan at aktibidad. Mula sa mga recipe, DIY na proyekto, hanggang sa mga workout, gustong makakita ng mga tao ng malilikhaing ideya at tip.
Mahahanap mo ang iyong pinakadedikado at tapat na audience sa Pinterest. Gusto ng lahat na sumubok ng mga bagong bagay—at ibig sabihin noon, nakakaakit ang Pinterest para sa lahat. Mula sa mga Gen Z na mag-aaral, Millenial na kalalakihan, at retiradong mahilig maglakbay, narito silang lahat para sa mga ideyang nagbibigay-inspirasyon at kayang gawin.
Nakakita ang mga brand ng malalakas na resulta sa buong funnel
Narito ang mga tao para makatuklas ng mga bagong ideya at produkto—kaya gustung-gusto nila kapag may bago kang update. Dahil doon, nagkakaroon ka ng mga makabuluhang resulta at magagandang ugnayan sa iyong target audience.
Para makapagsimula, mag-sign up para sa isang libreng account ng negosyo. Makakakuha ka ng mga karagdagang feature gaya ng analytics, mga ad, at eksklusibong format ng Pin. Idinisenyo ang lahat ng ito para matulungan kang maabot ang mga layunin mo.
Ang multi-objective ay nangangahulugang mas maraming customer
Tinulungan sila ng Pinterest trends na gumawa ng mga bago at kapansin-pansing creative na nagdala ng 4x na mas mababang halaga sa bawat pagkuha kumpara sa kanilang internal na benchmark.2
Tinulungan ng Pinterest ang eksperto sa fashion at paglalakbay na makapagdagdag pa ng 148% follower sa isang buwan, na nagkokonekta sa kanya sa lubos na nakikipag-ugnayang audience.3
Mga madalas na itanong
Tinutulungan ng mga account ng negosyo ang mga brand, creator, at merchant na mas masulit ang Pinterest. Makakakuha ka ng access sa analytics, mga ad, at eksklusibong format ng content. Libre ang mga account ng negosyo, at madali lang mag-sign up sa mga ito.
Dapat kumuha ang mga creator ng account ng negosyo sa Pinterest para masulit ang mga espesyal na tool gaya ng detalyadong analytics. Tinatawag itong “account ng negosyo,” pero inilaan din ito para sa mga creator. Magagawa mong mag-sign up para sa isang bagong account, o i-convert ang iyong personal na account sa isang account ng negosyo. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga creator tool ng Pinterest, tingnan ang aming nakalaang site ng creator.
Sa Pinterest, hindi nakaayos nang sunod-sunod ang content—personal ito. Lumalabas mismo ang content mo habang naghahanap ang mga tao ng bagay na susubukan, bibilhin o gagawin.
Narito ang mga tao para maghanap ng mga bagong ideya at gumawa ng aksyon, sa halip na mag-like lang ng mga post ng ibang tao o mag-scroll sa mga pinakabagong balita. Ibig sabihin, aktibo silang naghahanap ng content mula sa mga brand, merchant, at creator.
Oo naman! Hindi mo kailangan ng sarili mong website para makapag-publish ng content sa Pinterest. Kailangan mo lang ng account ng negosyo sa Pinterest para makapagsimula. Puwede kang mag-upload ng mga asset, gumawa ng mga Pin ng Ideya, at marami pang iba sa Pinterest app. Puwede mo ring ikonekta ang mga account mo sa mga social network sa Pinterest para mas mapadali ang pagbabahagi ng content sa iba't ibang platform.
Gumagamit ang audience mo ng Pinterest para maghanap ng mga bago at orihinal na ideya. Pahangain sila sa pamamagitan ng visual na nakakabighaning kuwento, o gumamit ng Pinterest trends para makagawa ng content batay sa gustong sunod na subukan ng mga tao.
Ang pinakamagandang balita? Hindi mawawala sa Pinterest ang content mo. Hindi ito mawawala pagkalipas ng partikular na panahon, kaya patuloy itong matutuklasan ng mga tao kahit matagal mo nang na-publish ang Pin.
Kumusta, salamat sa pagtatanong. Una, kumuha ng libreng account ng negosyo. Pagkatapos, tingnan ang aming gabay sa pagsisimula gamit ang mga tool at feature sa negosyo.
Magsimula