Mga pinakamainam na kasanayan para sa creative

Mga Standard na Pin

Masasabing maganda ang isang Pin kung ito ay nakakapukaw sa paningin, may nakakaaliw na kwento, at naghihikayat sa mga tao na matuto pa. Madali lang gumawa ng magagandang Pin—sundin lang ang ilang simpleng panuntunan.

Makakakita ka ng mga alituntunin para sa mga standard na Pin at video Pin sa page na ito. Maaari mo ring i-download ang aming gabay sa creative best practices para makuha ang lahat ng tip sa iisang nase-save at napi-print na lugar. 

1. Pumili ng agaw-pansing larawan
Gumamit ng mga patayong larawang may magandang kalidad na magiging kapansin-pansin sa mga feed ng mga tao. Inirerekomenda namin ang 2:3 na aspect ratio (hal: 1000 x 1500 pixel). Maaaring maputol ang iyong Pin kung gagamit ka ng ibang ratio, o maaari itong magkaroon ng negatibong epekto sa performance.

3. Tiyaking naha-highlight ang iyong brand 
Ituon ang larawan sa iyong produkto o serbisyo. Iwasan ang mga abstract na larawan, o ang mga larawan ng paraan ng pamumuhay na hindi naaangkop sa iyong brand.   

3. Linawin ang konteksto
Dapat makatulong ang iyong Mga Pin sa mga tao para maunawaan kung bakit naaangkop ang iyong produkto o ideya sa kanila. Pumili ng mga larawang nagpapakita ng konteksto at sumasalamin sa iyong paksa. Malinaw na ipakita kung paano magagawa ng isang tao na gamitin ang iyong produkto, subukan ang iyong proyekto, atbp.

4. Isama ang iyong logo
Maglagay ng logo sa bawat Pin na gagawin mo, pero tiyaking hindi ito nakakaagaw ng pansin. Iwasang ilagay ito sa kanang sulok sa ibaba, dahil matatakpan ng mga icon ng aming produkto ang bahaging iyon.   

5. Magdagdag ng text overlay para mas maganda ang ikukwento mo
Ang text overlay ang mga salitang ipapakita sa larawan ng iyong Pin. Nakakatulong ito para mapansin ang iyong Mga Pin, nagdaragdag ito ng konteksto, at napapalinaw nito ang gusto mong iparating. Panatilihing maikli ang text para madali itong mabasa ng mga tao sa mga telepono nila. Kung pinapatakbo mo ang iisang campaign sa maraming bansa, tiyaking gumawa ng hiwalay na Mga Pin para sa bawat bansa para maisalin mo ang text overlay sa lokal na wika.

Pin na Mga Salamin na may babaeng nakasuot ng dilaw na sweater
Mga Video Pin

Kung gagamit ka ng video, magiging mas interesante ang iyong content dahil na rin sa kwentong isinasalaysay ng mga ito. Narito ang limang pinakamahuhusay na gawi para maging mas matagumpay ang mga video Pin.  

1. Biglain mo sila at panatilihin itong maikli
Magsimula gamit ang isang malinaw na hook sa loob ng unang ilang segundo para makuha ang atensyon ng mga tao. Panatilihing simple at maikli ang iyong video. Napag-alaman namin na pinakamainam ang 6-15 segundo sa Pinterest. 

2. Huwag sumalalay sa audio 
Maraming video na pine-play sa mga feed ng mga tao nang naka-off ang tunog. Tiyaking gamitin ang tekstong overlay o mga caption para makatulong na ipahayag ang iyong mensahe kapag hindi nagpe-play ang tunog.

3. Gawing actionable ang iyong mga video  
Nakikita namin ang pinakamataas na performance para sa mga video na nagtuturo sa mga tao kung paano gawin ang isang bagay, o nagbibigay sa mga tao ng inspirasyon na sumubok ng bagong bagay.

4. Pumili ng nakakapukaw na cover image
Lumalabas ang iyong cover image sa mga feed ng mga tao, at dapat itong magbigay ng magandang ideya tungkol sa kung anong papanoorin nila. Nakakatulong din sa amin ang iyong cover image na ipakita ang iyong video sa tamang audience.

5. I-optimize ang copy ng iyong Pin 
Ang malilinaw na pamagat, paglalarawan at hashtag ay nakakatulong na matuklasan ang iyong video sa paghahanap. Maglaan ng panahon sa pagpapaganda sa iyong copy bago ka mag-publish ng bagong video.

Preview ng pinakamahuhusay na kagawian ng Glad sa video
Palalimin ang kaalaman

Mga pangunahin sa Pin

Alamin ang tungkol sa iba't ibang bahaging isinasaalang-alang sa isang Pin, at kung paano gawin ang mga ito.

Mga detalye ng creative

Tingnan ang mga detalye at kinakailangan ng bawat uri ng Pin, mula sa mga uri ng file hanggang sa mga bilang ng character.

Mga tip sa nilalaman

Matuto tungkol sa pagpili ng mga naaangkop na paksa, larawan, at paglalarawan para sa iyong Mga Pin.

Mga Webinar

Makakuha ng higit pang tip para sa pag-set up at pag-optimize ng campaign.

Pin Collective

Makipagtulungan sa ekspertong creator ng nilalaman para sa mga susunod mong Pin.

Mga Pinterest Partner

I-scale ang iyong mga ad sa tulong ng aming mga opisyal na partner.

Matuto mula sa ibang brand

Absolut

Patok ang mga Pin ng simpleng recipe

The Home Depot

Ang mga video Pin ay nakakatulong sa mga homeowner na gawing realidad ang mga disenyo

FabFitFun

Inihahatid ang mga nangungunang trend ng Pinterest sa mga pinto kahit saan

Glad

Mga kitchen hack at katatawanan para sa isang bagong henerasyon ng mga foodie