Nagbibigay ang Conversions API ng Pinterest ng higit pang insight sa epekto ng conversion ng Pinterest sa mga channel. Gamit ang tamang data, makakamit mo ang mas magagandang resulta at mas mataas na ROI sa iyong mga campaign. May dalawang paraan para magsimula: sa pamamagitan ng mga partner o gamit ang direktang integration.
I-maximize ang mga conversion. I-minimize ang pagiging kumplikado.
Ipasa ang data sa web, app, at offline sa pamamagitan ng API. Makikita mo kung paano nagdudulot ng mga resulta sa mga channel ang iyong mga gastos para sa marketing sa Pinterest.
Nakapagtala ang mga brand na gumagamit ng Conversions API (CAPI) at ng Pinterest tag nang magkasama ng average na 24% pagtaas sa mga na-attribute na conversion.1
I-optimize ang iyong mga campaign at bawasan ang mga gastos gamit ang mga insight na ito. Sa average, nakaranas ang mga brand ng 9% pagtaas ng cost per action.2
I-streamline ang pag-set up sa tulong ng aming mga partner
Tinutulungan ka ng Avatria na ipatupad ang CAPI sa pamamagitan ng iyong kasalukuyang Google Tag Manager. Nag-aalok ang team nila ng hands-on na integration, pati na rin tuloy-tuloy na suporta.
Nagbibigay-daan ang solusyon ng CAPI ng LiveRamp sa mga brand na sukatin at suriin ang epekto ng mga pamumuhunan sa media sa mga online at offline na conversion, sa pseudonymous na pagkakakilanlan.
Ikonekta ang CAPI sa platform para sa data ng customer ng Tealium para mapakinabangan ang lahat ng benepisyong maidudulot ng mas maaasahang pag-track ng conversion sa iyong mga campaign.
Mga karagdagang partner
Gawin mo ito nang mag-isa gamit direktang integration
Puwede ring direktang ipatupad ng iyong mga developer ang API. Sumusunod ang pag-set up sa mga pamantayan ng industriya at mayroon itong mga hakbang na katulad ng sa iba pang CAPI.
Spotlight ng brand: PacSun
Nakatulong ang Conversions API sa PacSun na makakuha ng mas magandang pananaw sa performance nito sa Pinterest. Maganda ang mga resulta para sa fashion brand, na nagpapakita ng 7x na mas mataas na porsiyento ng conversion at 3.5x na pagbaba sa gastos sa bawat session.3
Magsimula
Mga madalas itanong
Inirerekomenda naming magkasamang gamitin ang Conversions API at Pinterest tag para sa mas mahusay na pag-track at mga insight sa epekto ng iyong mga conversion.
Puwede mong ipasa ang parehong mga event sa pamamagitan ng Conversions API na na-configure mo sa iyong Pinterest Tag o sa iyong mobile measurement partner.
Puwede ka ring magpasa ng mga offline na event (gaya ng in-store) sa pamamagitan ng Conversions API para mabigyan ka ng mas malinaw na insight sa path ng iyong customer sa pagbili.
Ipinapasa ng Conversions API ang parehong mga event na karaniwan mong matatanggap sa pamamagitan ng Pinterest tag.
Checkout
Idagdag sa cart
Pagbisita sa page
Pag-sign up
Manood
Lead
Maghanap
Tingnan ang kategorya
Mga custom na event tulad ng mga offline na pagbili o mga pakikipag-ugnayan sa app
Para sa higit pang detalye, bisitahin ang aming platform para sa developer.
Ang timeline para sa pag-set up ng Conversions API ay depende sa kung aling pamamaraan ang gagamitin mo. Maaari itong abutin ng kaunting oras hanggang ilang linggo depende sa kung paano mo mapagpapasyahang mag-integrate. Alamin pa ang tungkol sa mga benepisyo at iba pang pagsasaalang-alang ng bawat opsyon sa pag-set up.
Ang bawat partner integration ay may kanya-kanyang presyo, pagsasaalang-alang sa pag-set up, at feature. Makipag-ugnayan sa iyong kinatawan sa Pinterest kung mayroon kang mga tanong tungkol sa alinman sa mga detalye.
Puwede mong i-integrate ang Conversions API sa dalawang paraan: sa pamamagitan ng aming mga partner, o sa pamamagitan ng direktang integration.
Third-party na partner integration
Kung nakikipagtulungan ka na sa isa sa mga partner platform ng Pinterest, maaari mong i-set up ang Conversions API sa pamamagitan ng partner integration. Alamin pa ang tungkol sa aming mga partner integration.Direktang integration
Para sa pinakamalawak na kontrol sa iyong proseso ng integration, inirerekomenda naming gumawa ng direktang integration sa Pinterest Conversions API. Nangangailangan ito ng pakikilahok ng developer. Makikita ang higit pang detalye sa aming mga dokumento sa development.
Ang Resilience ay status ng pag-set up ng Conversions API na nagbibigay-daan sa pinakamataas na level ng pagtutugma ng signal at attribution.
Maaaring makatulong sa iyo ang pagbuo ng resilience na humimok ng mas magagandang resulta sa performance at i-future proof ang mga campaign ng iyong brand mula sa mga pagkawala ng signal sa nagbabagong landscape ng privacy sa data.