Mga paraan para magtagumpay sa Pinterest

Pagsisimula

Bago ka man sa Pinterest o sinusubukan mo lang pahusayin ang iyong performance, makakatulong ang mga tip na ito. Ganito gawin ang iyong profile, makaabot ng higit pang follower, at simulang sukatin ang iyong performance.

Kumpletuhin ang iyong profile

Maipapaalam mo ang kwento ng brand mo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kumpletong profile. Pumunta sa iyong mga setting upang magdagdag ng larawan sa profile, ilang impormasyon tungkol sa iyo, iyong lokasyon, at iba mo pang mga site sa buong web. Pagkatapos, pumili ng custom na cover sa profile.

Regular na mag-save ng Mga Pin

Mas mainam ang tuluy-tuloy, araw-araw na aktibidad kaysa sa pagdaragdag ng napakaraming Pin nang sabay-sabay. Maging matiyaga at ipagpatuloy ito. Ang tuluy-tuloy na pagdaragdag ng content sa magkakasunod na buwan ang pinakamainam na paraan upang makabuo ng dedikadong audience sa Pinterest. Maaari kang mag-iskedyul ng mga Pin ng hanggang dalawang linggong advance, na mas nagpapadali na makasunod sa isang  iskedyul ng pag-publish.

Hindi tulad sa mga social network, kung saan nangyayari sa unang 24 na oras ang karamihan ng iyong naaabot, patuloy na lumalawak ang naaabot ng iyong Pinterest content sa paglipas ng panahon. Habang dumarami ang mga taong nakakatuklas at nagse-save sa iyong mga Pin, makikita mong tuluy-tuloy na taas ang trapiko.  

Pangalanan ang iyong mga board nang matalino

I-optimize ang iyong mga board para sa paghahanap sa Pinterest. Tiyaking ang mga pangalan ng iyong mga board ay partikular, nauugnay sa iyong audience, at naglalaman ng magagandang keyword. Pagkatapos ay tiyaking pipili ka ng kategorya para sa bawat board na gagawin mo.

Gamitin ang button na I-save

Idagdag ang button na I-save sa iyong website para maging mas naaangkop ito para sa Pinterest. Sa button na I-save , napapadali at napapabilis ang pag-save ng mga tao sa Pinterest ng content mula mismo sa iyong website—kaya maaaring madagdagan ang mga pag-save sa iyo ng hanggang 5x.

Makakita ng higit pang follower

Ang mga follower mo ang palaging unang makakakita sa iyong Mga Pin. At kapag mas nakipag-ugnayan sila sa iyong content, mas ipapakita namin ito sa iba pang lugar sa Pinterest (kasama ang mga resulta ng paghahanap, feed, at rekomendasyon). Idagdag ang button na I-follow sa iyong website para masimulan na ng audience ng iyong site na subaybayan ka sa Pinterest sa isang pag-click lang.  

Gamitin ang aming mga tool ng negosyo

Para makakuha ng Analytics, mga ad at iba pang mga tool ng negosyo, mag-upgrade sa libreng account ng negosyo. Pagkatapos, i-claim ang iyong website, Etsy page at mga social account upang makuha ng iyong content ang tamang pag-attribute sa Pinterest.

 

Matuto mula sa performance ng Pin

Mag-tap sa anumang Pin para mabilisang makita ang mga impression, pag-save, close up, at pag-click dito. Kung gusto mong makakuha ng mas detalyadong impormasyon, bumisita sa Pinterest Analytics para sa higit pang insight na makakatulong sa iyong pahusayin ang iyong diskarte sa Pinterest.

Mga karagdagang mapagkukunan

Planuhin ang iyong diskarte sa creative

Alamin kung paano gumawa ng nauugnay at kapaki-pakinabang na content sa Pinterest

Paano gumawa ng magagandang Pin

Kunin ang aming pinakamahuhusay na kagawian sa creative at alamin kung paano gumawa ng magagandang Pin na nakakapagbigay-inspirasyon.