Palaguin ang iyong negosyo sa buong funnel, mula sa pinalawak na kamalayan hanggang sa tumaas na benta.
Nakakaengganyo para sa kanila.
Epektibo para sa iyo.
Ginagamit ng mga tao ang Pinterest para makahanap ng mga bagong brand at ideya, kaya talagang kapaki-pakinabang ang mga ad.1 Abutin ang audience mo sa buong journey ng consumer, nagba-browse man sila, naghahanap, o handa nang kumilos.
Isang platform para sa lahat ng layunin mo
Mga kapansin-pansin at flexible na format
Mag-unlock ng mga bagong paraan para masabi ang kwento mo at maipakita ang mga produkto. Gumagana ang aming mga format para sa lahat ng uri ng asset at lahat ng uri ng layunin.
Magpakita ng maraming larawan sa isang ad para maipakita ang iba't ibang produkto, mag-highlight ng mga partikular na feature, o magkuwento sa mga kabanata.
Mag-curate ng mga pinagsamang larawan at video sa iisang unit ng ad para matulungan ang mga taong mag-explore at mamili pa mula sa iyong brand.
Magpakita ng mga ideya sa pag-aksyon gamit ang mga nakakaengganyong asset na multimedia, at pagkatapos ay hikayatin ang mga tao na gawin ang mga susunod na hakbang.
Makakuha ng atensyon sa isang larawan na kumakatawan sa iyong brand o produkto. Isang simple, pero epektibong opsyon.
Magkaroon ng maximum na epekto sa pamamagitan ng mga premium na paglalagay ng takeover video sa mga bahagi ng Pinterest na may pinakamataas na trapiko.
Dagdagan ang pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng interactive na content na nagbibigay ng mga naka-personalize na resulta sa mga sumasagot ng quiz.
Puwedeng magkaroon ang interactive na format na ito ng maraming card at link, na nagpapadali sa mga mamimili na umaksyon mula sa pagtuklas.
Gamitin ang paggalaw para makapukaw ng interes at makabuo ng mas malalim na pakikipag-ugnayan. Puwede kang pumili mula sa mga format na may karaniwan o max na lapad.
Buong kontrol, mula umpisa hanggang dulo
Gamitin ang aming targeting suite para makahanap ng mga bagong customer o mag-upload ng mga listahan ng customer para sa muling pag-target ng mga campaign. Puwede ka ring gumamit ng mga strategy tulad ng mga keyword o interes.
May kontrol ka sa mga gastos at bid, sa kada hakbang ng proseso. Mag-set up ng paunang budget o bid, kasama ang tagal at dalas ng ad. Puwede mong i-adjust ang mga ito kung kinakailangan habang tumatakbo ang mga ad mo.
Kasama sa aming mga solusyon ang mga self-serve na analytics, custom na pag-aaral, at mga cross-channel na solusyon. Gamitin ang mga native tool ng Pinterest o makipagtulungan sa isang naaprubahang third-party na partner.
Mga resource na gagabay sa iyo
Bumubuo kami ng mas positibong karanasan para sa kapwa mga consumer at brand. Basahin ang aming mga alituntunin sa seguridad ng brand para sa higit pang impormasyon.
Tingnan ang aming mga rekomendasyon para sa pinakamahusay na mga ad at nagbibigay-inspirasyong organikong content.
Ang aming libreng learning platform ay nag-aalok ng mga kurso, webinar at certification para matulungan kang makapagpatakbo ng mga matagumpay na campaign sa Pinterest at makilala sa iyong industriya.
Magsimulang mag-advertise sa Pinterest
Mga madalas na itanong
Pumupunta ang mga tao sa Pinterest para maghanap ng mga ideyang susubukan at bibilhin—at kasama doon ang mga ideya mula sa mga brand. Nakakatulong ang mga ad para maipakita ang iyong content sa mga tamang tao sa tamang oras.
Gamit ang mga Pinterest ad, may ganap kang kontrol sa kung magkano ang gusto mong gastusin. Puwede mo ring piliing itakda ang sarili mong mga bid o hayaan ang mga tool namin para sa awtomatikong pag-bid na gawin ito para sa iyo.
Dapat kang pumili ng format ng ad batay sa iyong mga layunin. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang aming online na klase sa format ng ad.
Hindi direktang nagbabayad ang Pinterest para sa content, pero puwede mong gamitin ang mga Pinterest ad para kumita sa pamamagitan ng mga layunin tulad ng pagkuha ng customer, mga conversion at mga pagbebenta. Kung isa kang creator, mayroon ding mga programa na makakatulong na suportahan ka sa iba pang paraan. Para alamin pa ang mga oportunidad para sa creator, bisitahin ang aming nakalaang resource page.
Available ang mga Pinterest ad para sa kahit anong negosyo, malaki man o maliit. Anuman ang iyong mga layunin, matutulungan ka naming makamit ang mga ito. Matuto pa sa aming gabay sa maliit na negosyo.
Kung naghahanap ka ng mga mas simpleng opsyon, mayroon din kami ng mga iyan. Puwede kang mag-promote ng iisang Pin mula sa app o mga bersyon sa desktop ng Pinterest. Puwede mo ring gamitin ang aming mga automated na tool para makapag-set up ng mga campaign sa tulong ng mga rekomendasyon sa Pinterest.
Alamin ang proseso ng paggawa, pamamahala, at pag-uulat sa aming gabay sa Ads Manager.