(May bisa Agosto 14, 2020)
Salamat sa paggamit ng Pinterest!
Ang Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Negosyo na ito (“Mga Tuntunin”) ay namamahala sa access at paggamit ng iyong negosyo sa website, mga app, mga API at mga widget ng Pinterest (“Pinterest” o ang “Serbisyo”). Pakibasa nang mabuti ang Mga Tuntuning ito at makipag-ugnayan sa amin kung mayroon kang anumang tanong. Sa pamamagitan ng paggawa ng account sa ilalim ng Mga Tuntuning ito (“Account ng Negosyo”), o pag-access o paggamit ng Serbisyo, sumasang-ayon kang mapailalim sa Mga Tuntuning ito, sa aming Patakaran sa Pagkapribado at sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad.
Tinutulungan ng Pinterest ang lahat na mahanap ang inspirasyong magkaroon ng buhay na gusto nila. Para magawa iyon, gusto naming dalhin ng mga negosyong katulad ng sa 'yo ang mga interesante at personal na ideya nila sa aming platform. Para maibigay ang aming Serbisyo, kailangan naming makilala ka at ang iyong mga interes. Ang ilan sa mga bagay na ipinapakita namin sa iyo ay pino-promote ng mga advertiser. Bilang bahagi ng aming serbisyo, sinusubukan naming tiyakin na kahit ang pino-promote na content ay may kaugnayan at kawili-wili sa iyo. Maaari mong makilala ang pino-promote na content dahil malinaw itong lalagyan ng label.
a. Sino ang maaaring gumamit ng Pinterest.
Magagamit mo lang ang aming Serbisyo kung makakabuo ka ng may kondisyong kontrata sa Pinterest at kung susunod ka sa Mga Tuntuning ito at sa lahat ng naaangkop na batas. Kapag ginawa mo ang iyong Business account, dapat mo kaming bigyan ng tama at kumpletong impormasyon. Ipinagbabawal ang anumang paggamit o pag-access ng sinumang wala pa sa edad na 13. Kung magbubukas ka ng account sa ngalan ng isang kumpanya, organisasyon, o iba pang entity, (a) kasama ka at ang entity sa “ikaw” at (b) nangangako kang awtorisado kang magbigay ng lahat ng pahintulot at lisensyang ibinigay sa Mga Tuntuning ito at ipapailaim ang entity sa Mga Tuntuning ito, at sumasang-ayon ka sa Mga Tuntunin na ito sa ngalan ng entity. Maaaring kasama sa bahagi ng aming Serbisyo ang software na dina-download sa iyong computer, telepono, tablet, o iba pang device. Sumasang-ayon kang puwede naming i-update ang software na iyon nang awtomatiko at malalapat ang Mga Tuntuning ito sa anumang mga update.
b. Ang aming lisensya sa iyo.
Napapailalim nitong Mga Tuntunin at aming Mga Patakaran (kasama ang aming Mga Patnubay sa Komunidad ), ipagkakaloob namin ang limitado, hindi eksklusibo, hindi malilipat at hindi mababawi na lisensya upang gamitin ang aming Serbisyo.
a. Pag-post ng nilalaman
Pinapayagan ka ng Pinterest na mag-post ng content, kabilang ang mga litrato, komento, link, at iba pang materyal. Tutukuyin bilang “User Content” ang anumang ipo-post mo o gagawing available sa Pinterest. Mananatili sa iyo ang lahat ng karapatan sa "User Content" na ipo-post mo sa Pinterest, at ikaw lang ang mananagot para sa mga iyon.
b. Paano maaaring gamitin ng Pinterest at ng ibang user ang iyong nilalaman
Binibigyan mo ang Pinterest at ang aming mga user ng hindi eksklusibo, walang royalty, naililipat, nasa-sublicense, at pandaigdigang lisensya para gamitin, i-store, ipakita, paramihin, i-save, baguhin, gawan ng mga hinangong gawa, isakatuparan, at ipamahagi ang iyong User Content sa Pinterest para lang sa mga layunin ng pagpapatakbo, pagbuo, pagbibigay, at paggamit sa Serbisyo. Wala sa Mga Tuntuning ito ang maglilimita sa iba pang legal na karapatan na maaaring mayroon ang Pinterest sa User Content, halimbawa, sa ilalim ng iba pang lisensya. May karapatan kaming alisin o baguhin ang User Content, o baguhin ang paraan ng paggamit nito sa Serbisyo, para sa anumang dahilan, kabilang ang User Content na pinaniniwalaan naming lumalabag sa Mga Tuntuning ito, ang aming Mga Alituntunin ng Komunidad o anumang iba pang patakaran.
Sa madaling salita, binibigyan mo ang Pinterest ng pahintulot na gamitin ang content mo sa misyon nitong ibigay sa mga tao ang inspirasyong magkaroon ng buhay na gusto nila. Ibig sabihin, puwedeng ipakita at i-play ng Pinterest ang mga Pin at video mo, at mase-save at magagamit ng mga Pinner ang mga Pin at video na iyon sa iba't ibang bahagi ng mundo.
c. Gaano namin katagal pananatilihin ang iyong content
Kasunod ng pagwawakas o pag-deactivate sa iyong account, o kung aalisin mo ang anumang User Content sa Pinterest, maaari naming itabi ang iyong User Content sa loob ng makatuwirang tagal ng panahon para sa pag-back up, pag-archive o pag-audit. Bukod pa rito, maaaring panatilihin at patuloy na gamitin, i-store, ipakita, paramihin, i-save, baguhin, gumawa ng mga hinangong gawa, itanghal at ipamahagi ng Pinterest at ng aming mga user ang alinman sa iyong User Content na na-store at naibahagi ng ibang user sa Serbisyo ng Pinterest.
d. Paano namin iniraranggo ang content
Sa Pinterest, nagpapakita kami ng ad (bayad) at non-ad (hindi bayad, “organic”) na content. Ang organic at ad content ay hiwalay na iniraranggo ayon sa mga salik kasama ang kaugnayan sa isang search query o mga interes ng isang user, kalidad ng imahe, kalidad ng domain at kung gaano kadalas nag-engage ang ibang mga user sa content. Para sa organic na content, ang pagkakaroon o kawalan ng isang advertising relationship sa content creator ay hindi batayan sa aming mga desisyon sa pagraranggo. Para sa ad content, ang ad auction ay isa ring salik sa pagraranggo. Sumasalalay kami sa mga pamantayang inilalarawan sa itaas at iba pang mga pamantayang tumitiyak na nakakakita ang mga Pinner ng bago, iba-iba, at de-kalidad na content na nauugnay sa mga interes nila at nakakatulong sa kanilang mahanap ang inspirasyong magkaroon ng buhay na gusto nila. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga pamantayang kinakailangan namin para mga merchant, tingnan ang aming Mga Alituntunin na Dapat Sundin ng Merchant.
e. Ang iyong responsibilidad para sa iyong nilalaman:
i. Sa Pinterest at sa aming komunidad.
Nagbibigay ng malikhain at positibong lugar para sa iyo at sa ibang user ang Pinterest para tumuklas at magbahagi ng mga bagay na gusto mo. Para panatilihin ito sa ganoong paraan, dapat mong sundin ang aming magandang kaugalian sa Pin at sumunod sa aming mga patakaran, kabilang ang aming Mga Alituntunin ng Komunidad. Hindi ka dapat mag-post ng User Content na lumalabag o nanghihikayat ng anumang gawi na lumalabag sa mga batas o regulasyon, kabilang ang ngunit hindi limitado sa mga batas o regulasyong naaangkop sa uri ng iyong negosyo, at mga batas o mga regulasyon na naaangkop sa pag-advertise. Ikaw ang responsable para sa User Content at anumang content ng third-party na na-post sa iyong mga board, at kinakatawan mo at ginagarantiya na sumusunod ang User Content na iyon at ang anumang content na na-post ng third-party sa iyong mga board sa lahat ng naaangkop na batas at regulasyon. Maliban kung hayagang isinaad sa Mga Tuntuning ito, sumasang-ayon kang huwag gamitin, baguhin, paramihin, ipamahagi, ibenta, bigyan ng lisensya o kaya ay gamitin ang aming Serbisyo nang walang pahintulot mula sa amin.
ii. Sa mga third party.
Iginagalang ng Pinterest ang mga karapatan ng mga third-party na gumagawa at may-ari ng content at inaasahan kang gawin din ito. Kaya, sumasang-ayon ka na ang anumang User Content na ipo-post mo sa Pinterest ay hindi lumalabag at hindi lalabag sa anumang mga batas o hindi lalabag sa mga karapatan ng sinumang third party.
f. Feedback na ibinibigay mo
Mahalaga sa aming malaman ang saloobin ng aming mga user at palagi kaming interesadong malaman ang tungkol sa mga paraan na maaari naming gawing mas kamangha-mangha ang Pinterest. Kung pipiliin mo ang magsumite ng mga komentaryo, mga ideya o feedback, sumang-ayon ka na maari namin itong gamitin ng walang paghihigpit o kabayaran sa iyo. Sa pamamagitan ng pagtanggap ng iyong isinumite, hindi inaalis ng Pinterest ang anumang karapatan para gumamit ng katulad o may kaugnayang feedback na alam dati ng Pinterest, binuo ng mga empleyado nito, o nakuha mula sa mga pagkukunan bukod sa iyo.
Nag-aalok kami ng mga produktong magagamit ng mga website at developer para mag-alok ng mga feature at functionality ng Pinterest sa kanilang mga user (hal. ang mga button na “I-save”, “I-pin ito” at “I-follow”) (“Mga Feature ng Site”). Sa pamamagitan ng paggamit ng anumang mga Feature ng Site, sumasang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Developer at API.
Ginagamit at ipinapatupad ng Pinterest ang Patakaran sa Copyright ng Pinterest ayon sa Digital Millenium Copyright Act at iba pang naaangkop na batas ng copyright. Para sa higit pang impormasyon, pakibasa ang aming Patakaran sa Copyright.
Pinapahalagahan namin ang tungkol sa seguridad ng aming mga user. Habang nagsusumikap kaming protektahan ang seguridad ng iyong content at account, hindi magagarantiya ng Pinterest na hindi malulusutan ng mga walang pahintulot na third party ang aming mga pamamaraan sa seguridad. Hinihiling namin na panatilihin mong ligtas ang iyong password. Maaring agad na magbigay abiso sa amin sa anumang kompromiso o hindi awtorisadong gamit sa iyong account. Para sa mga account na ginawa para sa kumpanya, organisasyon, o iba pang entity, responsibilidad mo ang pagtiyak na mga awtorisadong indibidwal lang ang may access sa account.
Ang Pinterest ay maaaring may mga link sa mga third-party website, advertiser, serbisyo, mga espesyal na alok o iba pang event o aktibidad na hindi pagmamay-ari o kontrolado ng Pinterest. Hindi namin ineendorso o inaako ang anumang responsibilidad para sa anumang nasabing site, impormasyon, materyal, produkto, o serbisyo ng third-party. Kung ia-access mo ang anumang website, serbisyo, o content ng third-party mula sa Pinetrest, ikaw ang mananagot sa paggawa nito at sumasang-ayon ka na hindi mananagot ang Pinterest mula sa paggamit mo ng o pag-access sa anumang website, serbisyo o content ng third-party.
Maaaring wakasan, suspindihin, paghigpitan ng Pinterest ang iyong karapatang ma-access o magamit ang Serbisyong ito para sa anumang dahilan sa naaangkop na abiso. Hangga't pinapayagan ito ng batas, maaari naming wakasan, suspindehin, o paghigpitan ang access o paggamit mo kaagad at nang walang pag-aabiso kung mayroon kaming magandang dahilan, kasama ang anumang paglabag sa Mga Tutnuning ito o ng aming Mga Alituntunin ng Komunidad o iba pang mga patakaran. Para sa aming mga Business User sa EU, ang Artikulo sa Help Center ay magbibigay sa iyo ng impormasyon tungkol sa kung paano mo magagamit ang aming internal na sistema ng pangangasiwa sa reklamo at kung paano gumagana ang system. Sa pagwawakas, patuloy kang mapapailalim sa Seksyon 3, 4 at 9 ng Mga Tuntuning ito. Maaari mong wakasan ang iyong account anumang oras. Tingnan ang aming artikulo sa Help Center para sa mga tagubilin sa kung paano i-deactivate o isara ang account mo.
Sa ordinaryong kurso ng aming negosyo, kung pipiliin mong permanenteng isara ang iyong account, hindi mo maa-access ang impormasyong ibinigay o ginawa mo kapag nawakasan na ang iyong account. Tingnan ang Patakaran sa Privacy para sa isang paglalarawan ng mga patakaran sa pag-access sa data ng Pinterest.
Sumasang-ayon kang magbayad ng danyos at hindi pananagutin ang Pinterest at ang aming mga kani-kanyang opisyal, direktor, empleyado at mga kinatawan mula at laban sa anumang paghahabol, demanda, paglilitis, hindi pagkakasundo, mga paghahabla, pananagutan, multa, pagkalugi/kawalan, halaga at mga gastos, kabilang ang ngunit walang limitasyon sa makatwirang bayarin para sa abugado at accounting (kabilang ang mga halaga ng pagtatanggol sa mga paghahabol, demanda o mga paglilitis na dala ng mga third partido), sa anumang paraan na may kaugnayan sa (a) iyong pag-access sa o paggamit ng aming Serbisyo, (b) iyong User Content o (c) sa iyong paglabag sa alinman sa Mga Tuntuning ito.
Ang aming Serbisyo at ang lahat ng content sa Pinterest ay ibinibigay ayon sa “as is” na basehan nang walang anumang uri ng garantiya, ipinahayag man o ipinahiwatig.
PARTIKULAR NA ITINATATWA NG PINTEREST ANG LAHAT NG GARANTIYA AT KONDISYON NG PAGIGING NABEBENTA, KAANGKUPAN PARA SA PARTIKULAR NA LAYUNIN, AT HINDI PAGLABAG, AT ANG ANUMANG GARANTIYANG RESULTA NG MGA KASANAYAN SA MGA NAUNANG TRANSAKSYON O KAYA AY MGA NAKAGAWIAN SA NEGOSYO.
Walang responsibilidad ang Pinterest at hindi ito mananagot para sa anumang User Content na ipo-post o ipapadala mo o ng sinumang iba pang user o third party gamit ang aming Serbisyo. Nauunawaan mo at sumasang-ayon ka na maaari kang makakita ng User Content na hindi tama, hindi katanggap-tanggap, hindi naaangkop para sa mga bata o kaya ay hindi naaangkop sa layunin mo.
SA PINAKAMALAWAK NA SAKLAW NA PINAHIHINTULUTAN NG BATAS, HINDI MANANAGOT ANG PINTEREST PARA SA ANUMANG HINDI TUWIRAN, INSIDENTAL, ESPESYAL, KONSEKUWENSYAL, O MAPAGPARUSANG MULTA, O ANUMANG PAGKALUGI O PAGKAWALA NG KITA, NATAMO MAN NANG DIREKTA O HINDI DIREKTA, O ANUMANG PAGKAWALA NG DATA, PAGGAMIT, REPUTASYON O IBA PANG HINDI PISIKAL NA PAGKAWALA. KAILANMAN AY HINDI LALAMPAS ANG KABUUANG PANANAGUTAN NG PINTEREST PARA SA LAHAT NG PAGHAHABOL NA MAY KAUGNAYAN SA SERBISYO NANG MAHIGIT SA ISANG DAANG DOLYAR NG ESTADOS UNIDOS (US $100.00) O ANG MGA HALAGANG BINAYARAN MO SA PINTEREST PARA SA NAKARAANG TATLONG BUWAN PARA SA SERBISYO.
Para sa anumang hindi pagkakasundo na mayroon ka sa Pinterest, sumasang-ayon kang makipag-ugnayan muna sa amin at subukang hindi pormal na ayusin ang hindi pagkakasundo sa amin. Kung kailangan naming makipag-ugnayan sa iyo, gagawin namin ito sa email address na nauugnay sa iyong Business Account. Kung hindi naayos ng Pinterest ang hindi pagkakasundo sa iyo sa hindi pormal na paraan, ang bawat isa sa atin ay sasang-ayong ayusin ang anumang paghahabol, hindi pagkakasundo o kontrobersya (hindi kasama ang mga paghahabol para sa remedyo na mula sa utos ng korte o iba pang makatarungang remedyo) na magreresulta sa o na may kaugnayan sa o kaugnay sa Mga Tuntuning ito sa pamamagitan ng arbitrasyon na pagpapasyahan ng isang tagapamagitan o (para sa mga kwalipikadong paghahabol) sa korte para sa maliliit na paghahabol.
Ang arbitrasyon ay isang mas hindi pormal na paraan para ayusin ang ating hindi pagkakaintindihan kaysa sa isang demanda sa korte. Halimbawa, ang arbitrasyon ay gumagamit ng isang tagapamagitan na walang pinapanigan sa halip na isang huwes o hurado, kinabibilangan ng mas limitadong pagtuklas, at sumasailalim sa napakalimitadong pagsusuri ng mga korte. Bagama't mas hindi pormal ang proseso, maaaring ipataw o ibigay ng mga tagapamagitan ang mga multa at remedyong maaari ding ipataw o ibigay ng korte. Sumasang-ayon ka na, sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa Mga Tuntunin ng Paggamit, pinamamahalaan ng Pederal na Batas ng Estados Unidos sa Arbitrasyon (U.S. Federal Arbitration Act) ang pagbibigay ng kahulugan at pagpapatupad ng probisyong ito at na ang bawa't isa sa inyo ng Pinterest ay isinusuko ang karapatan para sa isang paglilitis ng hurado o para lumahok sa demanda ng grupo. Ang tagapamagitan ay may eksklusibong kapangyarihan na lutasin ang anumang hindi pagkakasundo kaugnay sa interpretasyon, pagiging naaangkop, o pagpapatupad nitong kasunduan ng arbitrasyon na pagpapasyahan ng isang tagapamagitan. Ang probisyon ng arbitrasyon na ito ay dapat manatili kapag tinapos ang Kasunduang ito at kapag tinapos ang iyong Business Account.
Ang anumang arbitrasyon ay pangangasiwaan ng American Arbitration Association (“AAA”) sa ilalim ng Mga Tuntunin ng Arbitrasyon ng Consumer na may bisa para sa AAA, maliban kung isinasaad rito. Makikita mo ang mga form nito sa www.adr.org. Maliban kung hindi kayo sasang-ayon ng Pinterest, isasagawa ang arbitrasyon sa county (o parish) kung saan ka nakatira. Ang bawat partido ay magiging responsable para sa pagbabayad ng anumang bayarin para sa pag-file sa AAA, pangangasiwa at para sa tagapamagitan alinsunod sa mga tuntunin ng AAA, maliban sa magbabayad ang Pinterest para sa makatwirang bayarin para sa pag-file, pangangasiwa at para sa tagapamagitan kung ang iyong paghahabol para sa mga pinsala ay hindi lalampas sa $75,000 at may halaga (ayon sa pagkalkula gamit ang mga pamantayang nakasaad sa Federal Rule of Civil Procedure 11(b)). Kung ang iyong paghahabol ay para sa $10,000 o mas mababa, sumasang-ayon kami na pipili ka kung ang arbitrasyon ay gagawin lang sa batayan ng mga dokumentong isinumite sa tagapamagitan, sa pamamagitan ng pagdinig sa telepono, o sa personal na pagdinig ayon sa nakatakda sa Mga Tuntunin ng AAA. Kung ang iyong paghahabol ay lampas sa $10,000, ang karapatan sa pagkakaroon ng pagdinig ay tutukuyin sa pamamagitan ng Mga Tuntunin ng AAA. Kahit na sa ano pa mang paraan isagawa ang arbitrasyon, ang tagapamagitan ay dapat magbigay ng may katwirang nakasulat na desisyon na nagpapaliwanag sa mahahalagang natuklasan at pagpapasya kung saan binatay ang ibinigay na desisyon, at ang anumang pagpapasya sa desisyong ibinigay ng tagapamagitan ay maaaring ipasok sa anumang hurisdiksyon ng may kakayahang korte. Wala sa Seksyong ito ang pipigil sa alinmang partido sa paghahangad ng remedyo mula sa utos ng korte o iba pang makatarungang remedyo mula sa korte, kabilang ang para sa mga bagay na may kaugnayan sa seguridad ng data, intellectual property o walang pahintulot na pag-access sa Serbisyo. ANG LAHAT NG PAGHAHABOL AY DAPAT DALHIN AYON SA KATAYUAN NG BAWAT PARTIDO AT HINDI BILANG NAGSASAKDAL O GRUPONG NAGDEDEMANDA SA ANUMANG IPINAPALAGAY NA PAGLILITIS NG GRUPO O KINATAWAN, AT, MALIBAN KUNG SASANG-AYON KAMI, HINDI MAAARING PAGSAMA-SAMAHIN NG TAGAPAMAGITAN ANG MAHIGIT SA ISANG PAGHAHABOL NG TAO. SUMASANG-AYON KA, SA PAMAMAGITAN NG PAGPASOK SA MGA TUNTUNING ITO, NA ISINUSUKO MO AT NG PINTEREST ANG KARAPATAN NINYO PARA SA ISANG PAGLILITIS SA PAMAMAGITAN NG HURADO O NA LUMAHOK SA ISANG PAGDEDEMANDA NG GRUPO. WALA SA MGA TUNTUNIN NG PAGGAMIT NA ITO ANG MAKAKAAPEKTO SA ANUMANG HINDI MAISUSUKONG MGA KARAPATAN AYON SA BATAS NA NAAANGKOP SA IYO. Hanggang sa kung may anumang hiling, alitan o kontrobersiya tungkol sa Pinterest o sa aming Serbisyo ang hindi magawan ng arbitrasyon sa ilalim ng mg naaangkop na batas o kung hindi man ay: ikaw at ang Pinterest ay kapwa sumang-ayon na ang anumang mga hiling o alitan tungkol sa Pinterest ay eksklusibong lulutasin ayon sa Seksyon 13 ng Mga Tuntuning ito.
Ang Mga Tuntuning ito ay pamamahalaan ng mga batas ng Estado ng California, anuman ang mga prinsipyo nito sa salungatan ng mga batas. Ang eksklusibong lugar ng hurisdiksyon para sa lahat ng hindi pagkakasundo na magreresulta mula sa o kaugnay ng kasunduang ito ay sa San Francisco County, California o ang District Court ng Estados Unidos para sa Hilagang Distrito ng California, at ang ating hindi pagkakasundo ay pagpapasyahan sa ilalim ng batas ng California.
Kung nasa EU ka, ang mga Tuntuning ito ay sasaklawin ng mga batas ng England. Ang eksklusibong lugar ng hurisdiksyon para sa lahat ng reklamong magmumula o nauugnay sa kasunduang ito ay London, England, at ang aming reklamo ay pagpapasyahan sa ilalim ng batas ng England.
Mga pamamaraan ng pagbibigay ng abiso at mga pagbabago sa Mga Tuntuning ito
May karapatan ang Pinterest na tukuyin ang anyo at mga paraan ng pagbibigay ng mga abiso sa iyo at sumasang-ayon kang makatanggap ng mga abisong ayon sa batas sa elektronikong paraan kung pipiliin namin. Maaari naming baguhin ang Mga Tuntuning ito paminsan-minsan at ang pinakabagong bersyon ay palaging ipo-post sa aming website. Kung ang isang pagbabago, na ayon sa aming mabuting pagpapasya ay materyal, aabisuhan ka namin.
Kung nasa EU ka, ino-notify ka namin tungkol sa mga rebisyon nang kahit 15 araw bago magkabisa ang mga pagbabagong iyon. Hindi kami nagpapataw ng mga pagbabago nang retroactive kaya ang anumang pagbabago ay magiging mula sa petsa ng pagkabisa nito.
Sa pagpapatuloy ng pag-access o paggamit ng Serbisyo pagkatapos magkabisa ang mga pagbabago, sumasang-ayon kang masaklawan ng binagong Mga Tuntunin.
Pagtatalaga
Ang Mga Tuntuning ito, at anumang mga karapatan at lisensyang ibinigay rito ay hindi mo maaaring ilipat o italaga, ngunit maaaring italaga ng Pinterest nang walang paghihigpit. Ang anumang pagtatangkang ilipat o italaga na
lumalabag dito ay ipawawalang-saysay.
Kabuuang kasunduan/severability
Ang Mga Tuntuning ito, kasama ng Patakaran sa Pagkapribado at anumang mga pagbabago at anumang karagdagang kasunduan na maaari mong pasukan sa Pinterest kaugnay sa Serbisyo, ay dapat bumuo sa buong kasunduan sa pagitan mo at ng Pinterest hinggil sa Serbisyo at mangingibabaw sa anumang mga tuntunin na mayroon ka sa Pinterest hinggil sa Serbisyo. Kung ituturing na hindi balido ang anumang probisyon ng Mga Tuntuning ito, kung gayon magiging limitado ang probisyong iyon o aalisin sa pinakamababang kinakailangan, at mananatiling may bisa ang natitirang mga probisyon ng Mga Tuntuning ito.
Walang pagtalikdan
Walang pagtalikdan sa alinmang tuntunin ng Mga Tuntuning ito ang ituturing na higit o patuloy na pagtalikdan ng nasabing tuntunin o anumang ibang tuntunin, at ang kabiguan ng Pinterest sa pagtiyak sa anumang karapatan o probisyon sa ilalim ng Mga Tuntuning ito ay hindi bubuo sa isang pagtalikdan ng nasabing patakaran o probisyon.
Mga Partido
Kung nakatira ka sa North America o South America, ang Mga Tuntuning ito ay kontrata sa pagitan mo at ng Pinterest Inc., 651 Brannan Street, San Francisco, CA 94107, USA. Kung nakatira ka sa labas ng North America o South America, ang Mga Tuntuning ito ay kontrata sa pagitan mo at ng Pinterest Europe Ltd., isang kumpanya sa Ireland na may nakarehistrong opisina sa Palmerston House, 2nd Floor, Fenian Street, Dublin 2, Ireland.
Mga ahensiya ng pamahalaan ng Estados Unidos: Kung ikaw ay isang pederal na ahensiya ng pamahalaan ng Estados Unidos, ang iyong paggamit ng Pinterest ay sasailalim sa Mga Tuntuning ito at sa pag-aamyendang ito.
Mga pang-estado at lokal ahensiya ng pamahalaan ng Estados Unidos: kung ikaw ay isang pang-estado o lokal na ahensiya ng pamahalaan sa Estados Unidos, ang pag-aamyendang ito ay naaangkop sa Mga Tuntuning ito.
May bisa Agosto 14, 2020